Lolang pulubi na tumanggi sa ilang tulong ni Idol Raffy, nag-iwan ng aral sa mga netizens

Lolang pulubi na tumanggi sa ilang tulong ni Idol Raffy, nag-iwan ng aral sa mga netizens

- Marami ang humanga sa pulubing lola na pumunta kay Raffy Tulfo

- Tinanggihan kasi nito ang mga alok ng kanyang Idol Raffy at nanatili sa kanyang hiling na cellphone na may TV kung saan pwede niyang mapanood ang idolo

- Naging emosyonal daw ang mga netizens sa mga binahaging kwento ng lola na kinapulutan din nila ng aral

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa si Lola Norma Allianza Oppus sa mga pinalad na makadaupang-palad ang kanyang iniidolong si Raffy Tulfo.

Ayon sa video na binahagi mismo ng programang Raffy Tulfo in Action, sinadya lamang ng 87-anyos na lola ang kanyang Idol Raffy na naririnig lamang niya sa kanyang radyo.

Masayang-masaya si Lola Norma nang makita si Tulfo.

Nang tanungin ng kanyang idol kung ano ang nais ng matanda, diretsahang sinabi nito na cellphone na may TV lamang ang kanyang nais dahil sa radyo lamang niya napapakinggan ang kanyang idolo.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Nang alukin ito ng telebisyon, tumanggi ang lola dahil wala naman daw siyang kuryente sa kanyang tahanan.

Mag-isa na lamang sa buhay ang matanda na namamalimos.

Balak din siyang bigyan ng tindahan ni Idol Raffy ngunit tinanggihan niya muli ito dahil pagod na raw siyang magtinda at madalas na-uutang lamang.

Sinabi niyang sapat na sa kanya ang may makain sa araw-araw lalo pa at nakakalimos naman siya ng nasa ₱200 sa maghapon.

Aabutan din sana ni Tulfo ng ₱1000 ang lola ngunit sinabi nitong sapat na ang ₱100 na pamasahe niya.

Maging si Idol Raffy ay humanga sa matanda dahil sa pagiging kontento na lamang niya sa kung ano ang sapat.

Pinakain nila ito at pinatulog sa hotel dahil sa gabi na para ito ay magbiyahe pa.

Kinabukasan, hinatid na ng staff ni Tulfo ang lola at tiningnan na rin nila ang kalagayan nito doon.

Pinakita ni lola ang munting tahanan niya at ang radyo kung saan niya pinakikinggan ang idolo.

Sinamahan din ni Lola Norma ang staff ni Idol Raffy sa sementeryo kung saan pinakita niya ang nabayaran na niyang lupa at pwesto kung saan siya ililibing sa takdang araw.

Kwento ng nasa sementeryo, minabuti raw ni Lola Norma na ilaan sa lugar na kanyang paglilibingan ang perang paunti-unti niyang nalilikom kaysa naman daw manakaw lamang ito sa kanyang bahay.

Sadyang nakakabilib ang kwento na ito ni Lola Norma at aminado ang mga netizens na bagaman at napaluha sila habang pinapanood ang video, ito ay dahil sa nakaka-inspire ang pagkatao ng matanda.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Salamat sa Diyos" tinuruan tayo ni lola na maging kuntinto kung ano ang nasa atin. Maraming salamat lola sa mga tinuro mo sa amin."
"Others save money to travel, eat delicious food, wear nice clothes, new trendy gadgets etc etc... but this woman just saves to secure a nice spot for her burial someday"
"Lola showed us a lot about gratitude, authenticity, integrity, humility, contentment, and she's just being herself, a real person with no hidden agenda"
"She had prepared her own burial plot, it goes to show she doesn’t want to be burden to anyone she will leave behind. I wish people will learn valuable lesson from her. Although all of us feel very different the way she lives, it actually, gives her peace of mind, comfort zone and contentment. With that being said, money can’t buy stress free"
"Contentment and simplicity, Godbless po Lola"
"Satisfied na si lola sa buhay nya at alam nya na hindi naman nya madadala sa hukay ang yaman kaya okay na sakanya ang sakto lamang. and bilib na bilib ako sakanya dahil sa makikita mo na ayaw na nya problemahin ng mga kamag anak nya ang pag papalibing sknya, alam nya ang hirap ng buhay."
"Nakakasaya sa puso na meron pang mga tao na kuntento na sa kung anong meron sila at hindi inaabuso ang tulong na ibinibigay, i love you lola, God bless you more!"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gay Lingo is a huge local phenomenon! Let us see if we can explain the meaning of some slang terms to the rest of the world.

Ano Ang Meaning Ng Dakota Harrison? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel