Mga OFW na minaltrato at sinaktan ng amo, napauwi sa tulong ni Raffy Tulfo

Mga OFW na minaltrato at sinaktan ng amo, napauwi sa tulong ni Raffy Tulfo

- Sa programa ni Raffy Tulfo ang takbo ng ilang OFW na minaltrato at sinaktan ng kanilang mga amo

- Hindi naman sila nabigo at mabilis na inaksyunan ang kanilang mga reklamo

- Umani naman ng papuri ang sikat na mamamahayag na kilala sa pagtulong sa mga nangangailangan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Kilalang takbuhan ng naaapi ang mga programa ni Raffy Tulfo dahil sa mabilis na askyon nito at kadalasan ay may tulong pang kasama.

Kabilang ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa mga tumatangkilik at humihingi ng tulong kay idol Raffy.

Sa isang YouTube video mula sa official channel ng Raffy Tulfo in Action, tatlong OFW ang agarang tinulungan ni Tulfo kasama ang OWWA at ilang ahensiya ng gobyerno.

Isa sa mga ito si Delia Kuyan na isang domestic helper sa Saudi. Reklamo nito ang pangmamaltrato ng amo.

Hindi rin daw siya pinapatulog ng among babae hangga't hindi nahuhuli ang butiki sa bahay nito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Maging ang DH sa Riyadh sa Saudi rin, na si Zuzette Sumagang na pinagpapalo ng tsinelas at pinagbantaan pa ng kanyang amo ay lumapit rin kay Tulfo sa tulong kanyang kapatid sa Pinas.

Pati na rin si Freche Paquiding, isang DH sa Dammam na nag-viral online dahil sa kanyang sinapit mula sa amo ay inilapit din ng kaanak ang kaso kay Tulfo.

Lahat sila ay tinutukan at mabilis na inaksyunan ni idol Raffy matapos na ilapit dito ang kanilang mga kahabag-habag na sinapit sa ibang bayan.

Malaki ang pasasalamat nila sa sikat na broadcast journalist na hindi nag-aksaya ng panahon para sila ay mapauwi.

Kamakailan lamang, sa isang ulat ng , isang OFW na niloko at hindi pinasweldo ng kanyang amo ang lumapit kay Tulfo para humingi ng tulong dito na hindi naman nito binigo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

When You Try To Recall The Patriotic Oath But Life Is Hard

Searching for proudly Filipinos ready to recite the Patriotic Oath. Can they remember the full text? -on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone