Nakakalokang kwento ng dating mag-jowa na ngayo'y mag-BFF na, viral

Nakakalokang kwento ng dating mag-jowa na ngayo'y mag-BFF na, viral

- Marami ang naloka sa kwento ng dating mag-nobyo at ngayon ay matalik na magkaibigan na lamang

- Pusong babae pala kasi ang boyfriend kaya naman di na rin tumagal pa ang kanilang relasyon bilang mag-jowa

- Ngunit dahil minahal naman talaga nila ang isa't-isa, mas minabuti nilang maging mag-BFF na lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang kakaibang love story ng dating magkasintahan na ngayo'y mag-best friends na lang dahil sa nakakawindang na rason.

Binahagi ng programang Kapuso mo Jessica Soho ang nakakabilib na kwento nina Valerie at Christian na umabot na ngayon sa mahigit 1.3 million views sa halos wala pang 24 oras na pagkaka-post nito sa Facebook.

Kwento ni Valerie, pinakiusapan lamang niya noon si Christian na magkunwaring jowa niya dahil sa mayroon siyang manliligaw noon na ayaw niya.

Pumayag naman si Christian at naging epektibo naman ang kanilang pagkukunwari.

Pero tila na-develop na sa totoong 'feelings' ng dalawa kaya naman nag-effort si Christian.

Kinutsaba niya ang kanilang mga kaibigan na gumawa ng simpleng karatula na may nakasulat na "Will you be my girl?" na siyang itatanong niya kay Valerie.

Di nagtagal at naging totoo na nga at opisyal na silang magjowa.

Ngunit marami ang napataas ng kilay ng nang malaman ang kanilang relasyon.

Pansin kasi ng karamihan na malambot na si Christian noon pa man at iyon pala'y alam na rin ni Valerie.

Katunayan, madalas na raw itong mag-liptint noong sila na. Si Christian din ang taga-puna ni Valerie ng kanyang itsura at pananamit.

Subalit kahit anong gawin nila para maging normal ang relasyon, lumalabas ang totoong pagkatao ni Christian.

Napapalapit na rin kasi ito sa lalaking dating pinagselos lamang nila para tigilan na ang panliligaw kay Valerie.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Doon nag-desisyon na si Valerie na tuluyan nang palayain ang nobyo at mula noon ay nagpakatotoo na ito.

Ngunit sa kabila ng mga pangyayaring ito, di nawala ang pagmamahal nila sa isa't isa pero ngayon ay bilang mag-BFF na lamang.

Katunayan, suportado ni Valerie ang pagsali ni Christian sa mga pageants.

Ayon sa dalawa, wala na raw pag-asang magkabalikan pa sila ngunit ang mahalaga ay masaya sila at naroon pa rin para sa isa't-isa.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Bato dela Rosa changes tune over the case of Antonio Sanchez

Bato dela Rosa changes tune over the case of Antonio Sanchez

Bato says Sanchez should be given death penalty after saying he deserves 2nd chance
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel