Idol Raffy, abot-langit ang galit sa reklamong ito sa programa niya

Idol Raffy, abot-langit ang galit sa reklamong ito sa programa niya

- Humingi ng tulong kay Idol Raffy ang isang grupo ng mga contestants matapos nilang sumali sa isang modeling competition

- Sa halip kasi na makuha nila ang pera bilang premyo nila sa pagsali ay sila pa ang nagbayad sa sinalihang contest

- Labis namang na-high blood si Idol Raffy sa mga inirereklamo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumulog ang grupo ng mga contestants sa isang modeling competition na ginanap sa Bulacan upang ireklamo kay Idol Raffy ang RMU Philippines na nang-scam daw sa kanila.

Nalamang ng KAMI na 49 contestants ang pinagbayad nila sa competition at hindi nakuha ang premyong ipinangako sa kanila.

Ayon sa mga nagrereklamo, pinagbayad ang bawat isa sa kanila ng 5,000 pesos para raw sa food at hotel accommodation na good for 3 days.

Pero pinag-check out na sila ng hotel makalipas ang 2 araw dahil yun lang daw ang bayad sa kanila.

Natulog daw ang karamihan sa kanila sa kalsada dahil wala naman silang mauuwian. Sandwich lang din daw ang pinakain sa kanila sa loob ng 2 araw at may hinimatay pa nga silang kasamahan.

Pinagbenta rin daw sila ng ticket na nagkakahalagang 4,000 pesos at dahil wala naman sila halos nabenta ay napilitan na lang silang bayaran ito.

3,500 US dollars o halos 180,000 pesos ang premyo dapat ng grand winner na si Jefferson Ramos pero hindi niya ito natanggap dahil dinethrone raw siya ng RMU.

Ang dahilan ng RMU, siniraan daw sila ni Jefferson sa social media na mariin namang niyang itinanggi.

Ayon pa sa mga contestants, nakaka-tatlong palit na raw ng grand winner na talaga namang kaduda-duda.

Hindi rin inatrasan ni Idol Raffy ang mga inirereklamo matapos nitong makipagsagutan sa kanya.

Hinamon pa sila ng batikang TV host na idemanda siya at handa siyang harapin ang kaso laban sa kanya.

Watch the video below:

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Narito ang reaksyon ng mga netizens na humanga sa katapangan ni Idol Raffy.

""Do not be afraid, I am here." - Raffy Tulfo"
"Buti may Tulfo para May savior satin mga inaapi. Long live sa programang ito"
"wow idol raffy handa kang maglabas ng milyon para sa mga taong natatapakan. maraming salamat sa inyo dahil may naging instrumento ang dyos para tumulong sa mga naaagrbyado na tao. thumbs up idol ! god bless you!"
"I Salute you Sir Raffy Tulfo for a True Public Servant, For helping peoples with thier individual problems in all kinds of cases & problems."
"Ito yung programang na dapat niyong lapitan kaysa iba jan puro salita hnd naman magawa.. iba ka idol raffy tulfo in action"
"part 2 sir raffy nakka highblood tlga yang sumbong na yan. lalo na sa sinabe ng inirereklamo na mag pasalamat pa daw sila at natv silang candidate HA HA HA!! SUPER CLAP SAYONG BUGOK KA"
"Sir raffy seems a nice guy and good person but don’t mess with him , coz you’re gonna regret it."
"Pls. Part 2 . Kahapon pako naghihintay sir raffy. Minamadali ko trabaho sa bahay para mapanuod lng ang part 2"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, lumabas na ang Part 2 ng kuwento ni legit at kabit na may nakatokang kani-kanyang schedule kay mister na malupit.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this video of Tricky Questions, our team asked people how acid is supposed to taste! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel