Ikalawa ngayong linggo! Isa pang Pinay sa Texas, pinatay ng asawang Amerikano

Ikalawa ngayong linggo! Isa pang Pinay sa Texas, pinatay ng asawang Amerikano

- Isa na namang Pinay ang naiulat na pinatay ng asawang Amerikano ngayong linggo

- Nitong Lunes, natagpuang patay ang 32-anyos na Pilipina na kinilalang si Jacqueline Rose Nicholas

- Ayon sa mga ulat, nasa impluwensiya ng droga ang suspek na isang 30-anyos na DJ sa nasabing bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Patay na nang datnan ng mga pulis ang 32-anyos na Pilipina na si Jacqueline Rose Nicholas sa isang hotel sa Dallas, Texas, gabi ng Lunes.

Ang biktima ay binaril nang mismong Amerikanong mister nito na si Peter Noble, 30-anyos na sinasabing nasa impluwensiya ng droga noong mga panahong iyo.

Ayon sa report ng mga awtoridad, balot ng dugo ang suspek nang pagbuksan sila nito ay may nakataling kordon sa leeg nito.

Base sa ulat ng GMA Nrews, tinangka pa umanong tumakas ng suspek at nanlaban ngunit nadakip rin at dinala sa ospital.

Sa isa namang ulat ng ABS-CBN News, naniniwala ang ina ng biktima na nailigtas pa sana ang kanilang anak.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read

Inabot daw kasi ng mahigit isang oras bago nakaresponde ang mga pulis na nakatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen nang marinig ang mga sigaw ni Jacqueline.

"She could still be with us," ayon sa ina ni Jacqueline.

"We are most worried about the kids and praying they have a stable and healthy lifestyle in the future... Anything and everything will help us. We appreciate all of your love and support. God bless," dagdag nito.

Napag-alaman ng KAMI na walong taon nang kasal ang biktima sa suspek ay may dalawa nang anak.

Samantala, una nang naiulat ng KAMI ang pagkamatay din ng isang Pinay sa Texas na natagpuan ang bangkay sa isang freezer. Pinaniniwalaang ang mister din nitong Amerikano ang salarin.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Can You Recognize Aged Filipino Celebrities? FaceApp aging filter is taking over the Internet. HumanMeter has decided to age our favorite Filipino celebrities and asked people if they can recognize them – on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone