Babaeng bagong kasal, natuklasan ang 'affair' ni mister habang sila ay nasa honeymoon

Babaeng bagong kasal, natuklasan ang 'affair' ni mister habang sila ay nasa honeymoon

- Binahagi ng isang bagong kasal na babae ang kakaibang karanasan ilang araw matapos ang kanilang pag-iisang dibdib

- Sa mismong honeymoon nila, natuklasan niya ang naging 'affair' ng mister sa ibang babae

- Mismong ang 'babae' pa ng mister ang nagbunyag nito na sa una'y di niya pinaniwalaan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buong tapang na binahagi ng isang kakakasal lamang na babae ang kwento kung paano niya natuklasan ang pakiki-apid ng mister.

Ayon sa Yahoo News, natuklasan mismo ng babae ang relasyon ng mister sa mismong araw ng kanilang honeymoon.

Mismong ang 'babae' pa raw nito ang nagpadala sa kanya ng mensahe.

Lumalabas na matagal na itong naipadala sa kanya bago pa lamang sila ikasal.

Ayon sa babaeng nagngangalang Sarah, tumagal din ng tatlong buwan ang relasyon nila.

Sa una, hindi agad naniwala ang bagong kasal na babae at naipadala pa niya ang mensaheng "You're a liar" kay Sarah.

Laking gulat niya nang magbanggit ito ng isang pagkakataon na pinagtalunan umano ng noo'y kasintahan pa lamang niya.

Isang kaarawan ang di napuntahan agad ng lalaki na ikinagalit naman ng babae. Iyon pala, kasama ng lalaki si Sarah.

Babaeng bagong kasal, natuklasan ang 'affair' ni mister habang sila ay nasa honeymoon

source: Depositphotos
Source: Depositphotos

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Naalala ito ng babae dahil iyon din ang panahong tila sinusubok nga ang kanilang relasyon.

Nilinaw naman ni Sarah na sa umpisa'y di niya alam na may nobya na pala ang lalaki.

At sinabi rin ni Sarah na natigil ang relasyon nila nang ma-engage na ang dalawa.

Kinumpronta ng babae ang mister na di naitanggi ang mga nangyari.

Paliwanag nito, iyon daw ang naging dahilan para mapagtanto niya na hindi si Sarah ang para sa kanya kundi ang misis na niya ngayon.

Dahil dito, humingi ng isa pang tsansa ang lalaki na di naman natanggihan ng kanyang misis.

Masaklap man ang kanilang nakaraan ngunit handa na nilang harapin ang panibagong yugto ng kanilang pagsasama, ngayon naman ay bilang mag-asawa.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you enjoy watching street interviews and listening to different opinions?

Check this out: Tricky Questions: Sino Ang Sumulat Ng Florante At Laura? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Pres. Duterte urges Filipinos to be ‘everyday heroes’ on National Heroes’ Day

Pres. Duterte urges Filipinos to be ‘everyday heroes’ on National Heroes’ Day

Duterte urges Filipinos to be ‘everyday heroes’ on National Heroes’ Day
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel