Abusadong taxi driver na naningil ng P6,000 sa kanyang pasahero, arestado

Abusadong taxi driver na naningil ng P6,000 sa kanyang pasahero, arestado

- Arestado ang isang taxi driver matapos nitong maningil ng sobra-sobra sa kanyang pasahero

- Isang banyaga na naisakay niya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang kanyang naging pasahero

- Siningil niya ng P6,000 ang banyaga na napilitang magbayad dahil ayaw maiwan ng kanyang flight

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang taxi driver ang nasampulan nitong Sabado dahil sa sobra-sobrang singil sa isang pasahero.

Inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Terminal 3 at Terminal 1 units ng Airport Police Department ang taxi driver ng white taxi matapos nitong singilin ang isang Chinese national at mga kasama nito ng PhP6, 000.00 nitong Biyernes, 02 August 2019.

Inireklamo ni Bb. Wang Wei sa tanggapan ng Terminal 1 police ang driver na kinilalang si Eugene del Rosario.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sumakay ng taxi sina Wang Wei at kasamahan pagkalapag nito mula sa Dumaguete. Nagpahatid sila mula NAIA Terminal 3 papuntang Terminal 1.

Sinabihan diumano sila ni Del Rosario na P2,600 ang kailangan nilang bayaran ayon sa "meter rate" na hawak nito. Paglalahad pa ni Wang Wei, binigyan na lang sila ng discount at siningil na lamang ng P6000.00.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Sa takot na maiwanan ng flight pabalik ng China, binayaran na lamang nila ang anim na libong piso at saka nagtungo sa opisina ng T1 Terminal police para magreklamo.

Agad namang naaresto si Del Rosario sa pila ng taxi habang naghihihtay ng susunod na pasahero.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek habang inihahanda ang isasampang kaso dito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Razor Prank In The Streets Of Philippines | HumanMeter

Check out Human Meter's Razor Prank. Do you want to have a good laugh? Check out this prank video filmed in the Philippines.There's nothing better than some good vibes to make you feel alive. Wait no more and smash the play button to enjoy this hilarious video.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate