Pinay sa Texas, pinatay at itinago sa freezer ng Amerikanong asawa
- Pinaniniwalaan ng mga awtoridad na pinatay ng isang lalaki sa Texas ang kanyang Pinay na misis bago ito isinilid sa freezer
- Isang affidavit rin ang inilabas kung saan isang kaibigan ng suspek ang nagsabing ipinakita mismo sa kanya nito ang katawan ng Pinay
- Nagpakamatay din ang suspek sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili ayon sa imbestigasyon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Natagpuan ng mga awtoridad ang mga katawan ng mag-asawang Edward Rogers Jr., 66-anyos, at ang asawa nito na isang Pinay na kinilalang si Alyssa Marie Mejia Rogers, 24-anyos, sa kanilang tahanan sa Arlington, Texas.
PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.
Ayon sa ulat ng CDN, nadiskubre ang katawan ng Pinay sa loob ng isang freezer.
Pinaniniwalaan naman na ang mister nito na si Edward ang siyang pumatay sa biktima.
Isang affidavit ang inilabas kung saan sinabi ng isang kaibigan ni Edward na ipinakita mismo sa kanya nito ang bangkay ni Alyssa na nasa loob ng freezer sa bahay ng mga ito noong Linggo.
Ayon pa dito, inamin umano ni Edward ang ginawang pagpatay sa misis nito.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read
Base naman sa imbestigasyon ng mga awtoridad, lumalabas na nagbaril sa sarili si Edward na siyang ikinamatay nito.
Samantalang kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ang sanhi ng pagkamatay ng ginang at kung ilang araw na itong namatay.
Ayon sa mga reports, nagkakilala ang dalawa online at dalawang taon nang kasal.
Ngunit nasa proseso na ang mga ito ng divorce at mayroong protective order si Alyssa laban kay Edward dahil sa pananakit nito sa kanya.
Sabi pa sa ulat ng CDN, mayroong anak ang dalawa na nasa pangangalaga ng mga kaanak sa ibang bansa.
Ilang beses na rin daw rumisponde ang mga pulis sa tahanan ng mga ito dahil sa paulit-ulit na reports ng pananakit doon.
Taong 2006 naman nang masintensyahan ito ng guilty sa pagpatay sa isang lalaki.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tricky Questions: Can You Recognize Aged Filipino Celebrities? FaceApp aging filter is taking over Internet. HumanMeter has decided to age our favorite Filipino celebrities and ask people if they can recognize them – on KAMI
Source: KAMI.com.gh