'Payslip' ng magsasakang Pinoy, isiniwalat ng isang netizen

'Payslip' ng magsasakang Pinoy, isiniwalat ng isang netizen

- Binahagi ng isang netizen ang nakakagulat na sinasahod ng magsasaka sa isang hacienda

- Maraming netizens ang nabahala dahil sa sobrang baba kaysa sa inaasahan ang kinikita ng mga magsasakang ito

- Ayon pa sa post, ebidensya lamang daw ito na di naghihirap ang mga mahihirap dahil sila ay tamad, sadyang may mga mapagsamantala lamang ng kanilang kahinaan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakapanlumo talaga ang isiniwalat ng isang netizen na sinasabing payslip ng magsasaka sa isang hacienda dito sa bansa.

Binahagi ng netizen na si Achinette Villamor ang payslip ng magsasakang Pinoy sa loob ng isang linggo mula sa Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura (UMA).

Makikita sa petsa na sa larawan ng piraso ng papel na sahod ito ng magsasaka mula Hunyo 20 hanggang Hunyo 26.

Nakakapanghinang ₱200 lamang ang kinita nito na sa isang araw nga ay kulang na kulang na ang halagang ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mapapansin ding maliit ang halaga hindi dahil sa mga kaltas dahil wala ngang kaltas ang magsasakang ito.

Nangangahulugan na sa kung anumang dahilan, ang pagod at sakripisyo nila sa loob ng pitong araw ay halagang ₱200 lamang.

Ayon pa sa post, ito raw ang halimbawa na hindi katamaran ang dahilan ng paghihirap ng karamihan sa ating mga kababayan.

Sadyang may mga tao ring mapagsamantala ng kahinaan ng iba na humahantong sa masalimuot na sitwasyon gaya na lamang ng sa magsasakang ito.

Sana naman daw at matumbasan ang hirap at pagod nila sa pagtatrabaho sa bukid ng ayon sa nararapat.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check this out: Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition | HumanMeter

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica