DOLE: Dysmenorrhea leave para sa mga empleyadong babae, posible na

DOLE: Dysmenorrhea leave para sa mga empleyadong babae, posible na

-Maaari na raw ma-avail ng mga kababaihang empleyado ang dysmenorrhea leave

-Ito ay sa pamamagitan ng kasunduan ng mga empleyado at mga employer

-Ito ay naging pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Masakit, mahirap at dagdag sakripisyo sa bawat kababaihan ang pagkakaroon ng dysmenorrhea tuwing may buwanang dalaw.

Kaya naman, sa pamamagitan ng collective bargaining agreement (CBA) sa pagitan ng empleyadong babae at employer nito ay posible na ang dysmenorrhea leave.

Ito ay isa sa mga nilinaw ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III .

“Pwede ng ano, through the collective bargaining agreement,” anito sa isang panayam sa radyo ng DZMM.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Ito ang isa kanyang sinagot nang matanong ito tungkol sa mga labor laws sa bansa.

Narito naman ang ilan sa mga komento ng netizens tungkol dito:

"Oh, this will be such a great help for us suffering dysmenorhea. It sucks really."

"Sana nman po mapatupad ang dysmenorrhea leaved kasi napakarami po nmin na nagsusuffer sa matinding dysmenorrhea parang awq npo sana ng DOLE para sa mga kababaihan na nhihirapan sa monthly menstruation po."

"Medyo mababaw because there are maybe some other things that needs to be prioritized other than this but, yeah, if I were to ask, I won't deny, we girls somehow really need that."

"At the risk of employers preferring to hire men? I'm not sure if this is worth it."

"Iniisip ko lang to kanina.. if possible ba? but if monthly ang dysmenorrhoea, monthly din ang leave? somehow mababaw na dahilan pero totoong mahirap lalo na kapag during working hours nangyayari sayo, sobrang hirap."

"Eh di wow..haha! Monthly pla my leave ang mga girls na my dysmnorhea..nganga ang trabaho lalo pa kung my minamadali na tinatapos."

"Panu mapapatunayan na may dysmenorrhea attack?"

Bukod dito, nilinaw din ni Bello ang batas tungkol sa diskriminasyon sa edad ng mga aplikante ng ilang kompanya.

Ang batas na ito ay naglalayong mawalan ng limitasyon sa edad pag dating sa pag-a-apply sa trabaho.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter. -on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone