Babae, naparalisa dahil sa stress at labis na pagtatrabaho

Babae, naparalisa dahil sa stress at labis na pagtatrabaho

- Binahagi ng isang "workaholic"ang naging epekto ng kanyang labis na pagtatrabaho

- Nagsimula lamang daw ito sa simpleng pananakit ng ulo at pagka-manhid ng mukha hanggang sa maging ang kanyang buong katawan ay apektado na

- Sa tulong ng kanyang mga kaibigan, pamilya at iba pang mahal sa buhay, nanumbaik naman ang dati niyang sigla

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maaring di kapani-paniwala sa ilan na maaring maging sanhi ang stress ng mas malalang karamdaman.

Gaya na lamang ng kwento ni Paula na kanyang binahagi si Cosmopolitan.

Nagtatrabaho siya bilang strategy consultant sa London noong 2016.

Sa edad na 30, aminado siyang umaabot ng 80 oras ang kanyang pagtatrabaho sa loob ng isang linggo.

Ang malala pa nito, wala siyang maituturing na araw ng pahinga.

Nobyembre 2 ng parehong taon, nakaramdam siya ng pagkahilo at tila nangimi ang kanang bahagi ng kanyang mukha habang nasa isang conference call.

Nang palabas na sila ng meeting room, laking gulat na lamang ng kanyang mga kasama nang makitang bagsak na at wala nang reaksyon ang kalahating mukha ni Paula.

Sa umpisa'y di ito ikinabahala ni Paula. Mas inisip pa niya na kailangan siya sa opisina kaya naman kinabukasan, nagawa pa rin niyang pumasok.

Babae, naparalisa dahil sa stress at labis na pagtatrabaho
source: Getty images
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagdaan ang ilang linggo at di pa rin niya ito iniinda kahit inaatake na siya pabalik-balik ang ganitong pangyayari.

Ngunit nang sumapit na ang Enero taong 2017, di lang mukha kundi pati na rin ilang bahagi ng katawan ni Paula ay unti-unti nang napaparalisa dahil di pa rin niya nakuhang "magpahinga."

Sa tindi ng pangyayaring ito sa kanyang katawan, pati na rin ang kanyang pag-iisip ay apektado na rin.

Kahit ang mga dati niyang dinaraanan ay bahagya niyang nakalimutan. Ang malala, maging ang mga pangalan ng kanyang mga malalapit na kaibigan ay naipagpapalit-palit na niya.

Dito, nagdesisyon na si Paula na baguhin ang kanyang lifestyle. Malaking bagay na suportado siya ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Ngayon, di niya sukat akalain na napagdaanan niya ang lahat nang iyon. Magsilbi raw itong babala lalo na sa mga ayaw patinag sa trabaho na ang katawan ay bumibigay din. Maaring sinasabi ng ating isip na kaya pa natin, ngunit malaking bagay parin ang maayos na pahinga.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check this out: Tricky Questions: Hugis Puso, Kulay Ginto, Mabango Kung Amuyin, Masarap Kainin| HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica