Jane de Leon at ang kanyang paglalakbay sa showbiz bago maging si Darna

Jane de Leon at ang kanyang paglalakbay sa showbiz bago maging si Darna

- May napili na nga ang Star Cinema na bagong lulunok ng bato

- Si Jane de Leon na nga ang pinagpala at itinadhanang lilipad bilang bagong Darna

- Ngayon, sisilipin natin ang ilang mga larawan at proyekto ni Jane bago siya dinala ng kanyang kapalaran sa pagsigaw ng Darna/Narda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Jane de Leon, ang pangalan na pinag-uusapan ngayon sa online world dahil siya lang naman ang mapalad na itinanghal bilang ang bagong Darna at ngayon ay sisilipin ng KAMI ang kanyang paglalakbay sa showbiz bago mapili na lulunok ng bato.

Isang kilalang talento sa pelikula at TV shows na umano si Jane de Leon, ang napili ng ABS-CBN Films, Star Cinema para gumanap sa iconic Pinoy superhero role matapos ang daan-daang nag-audition at sumigaw ng Darna.

Siya ang kapatid ni Catalino Bartolome o mas kilala ng marami bilang si Lino na ginampanan ni Jericho Rosales sa katatapos lang na hit Kapamilya teleserye na 'Halik.'

Si Jane ang gumanap na Maggie Bartolome.

Bukod pa raw sa pagiging Star Magic artist, isa ring fashion model ang bagong Darna.

Dating miyembro din daw siya ng all-girl dance group na 'GirlTrends' ng It's Showtime.

Noong 2017, kabilang si Jane de Leon sa cast ng pelikulang 'The Debutantes,' gumanap siya bilang ang mean debutante na si Jenny.

Patuloy pa na pagbahagi ng entertainment.abs-cbn.com, nakasali rin siya sa 2017 fantasy drama series na 'La Luna Sangre.'

Ginampanan niya ang papel ni Lauren Catapang, isang Moonchaser at isa sa mga napaslang ng vampire Supremo Sandrino na ginampanan naman ni Richard Gutierrez.

Nagpakita rin siya sa Wansapanataym Presents 'Tikboyong,' at bumida na rin sa ilang episodes ng Maalaala Mo Kaya at Ipaglaban Mo.

At ngayon na nga ay siya ang napili na bagong sisigaw na Darna/Narda.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Jane de Leon at ang kanyang paglalakbay sa showbiz bago maging si Darna

Source: Instagram/Jane de Leon
Source: Instagram

Hindi naman magkamayaw ang mga netizens sa pagre-react sa surprise announcement na ito sa showbiz at spotted ang ilang magandang reaksyon sa pagkapili ni Jane de Leon bilang si Darna.

Jane de Leon, ang bagong pangalan na tatatak sa iconic Pinay superhero role na Darna.

Ang mapalad na pinili sa daan-daang pangalan na sumigaw at sumubok makuha ang bato.

Kaya abangan na ang kanyang pagsigaw ng Darna/Narda at paglipad.

POPULAR: Read more news about Darna here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to play Pinoy Tongue Twisters with our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Online view pixel