Demanding! Anak ng dating kasambahay ng Pamilyang Tulfo, binatikos ng netizens

Demanding! Anak ng dating kasambahay ng Pamilyang Tulfo, binatikos ng netizens

- Batikos ang inabot ng anak ng dating yaya ng pamilyang Tulfo

- Ito ay sa kadahilanang naging demanding ito sa paghingi ng mga bagay kay Idol Raffy Tulfo

- Gayunpaman, tiniyak ni Idol Raffy na unahin na muna ang pangangailangan nila kaysa sa pagbigyan ito sa kanyang hinihingi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang umalma sa naging asal ng anak ng dating yaya ng Pamilya Tulfo. Bukod sa pagiging demanding ay marami din ang nakapansin na tila nanamantala ito.

Kamakailan lang ay ipinalabas ang episode ng programa ni Raffy Tulfo kung saan muling humingi ng tulong ang anak ni Nanay Rosa na dating kasambahay ng pamilyang Tulfo.

Bilang isang taong malapit sa kanilang pamilya ay hindi nag-atubiling makipag-ugnayan upang makapagpaabot ng tulong si Raffy.

Bilang bahagi ng tulong ay magpapadala ng P5,000 kada buwan si idol Raffy para sa pambayad sa upa ng kanilang titirahang apartment.

Ikinawindang ng mga netizens at viewers ang naging pahayag ng anak ni Nanay Rosa na si Jolly. Nagpadagdag pa ito para sa iba pa nilang bayarin. Bukod dito at may hiniling pa siyang mga alahas na ayon sa kanya ay hinihingi umano ng nanay niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pabiro pa siyang sinagot ni idol Raffy na dagdagan pa ang alahas ngunit tila hindi ito nakaramdam.

Sinabi rin nito na walang trabaho ang asawa niya at maging siya ay hindi sanay magtrabaho.

Matatandaang dalawang taon na ang nakalipas matapos humingi ng tulong si Nanay Rosa sa programang Raffy Tulfo in Action.

Samantala, narito ang ilan sa mga naging reaction ng mga netizens:

Legit to. Legit na makapal ang mukha mo jolly. Hype ka. Alahas pa more
hoy jolly hindi ka nakakatuwa ah. subukan mo kaya magbanat ng taba este buto nyong magasawa. nationwide ka pa makapang hingi kay tulfo, over ka, kapal ng taba mo girl!!!
Seiko pa gusto niang relo. Ang tanda niyo na Jolly, matutong kumayod. Sana hindi ka nag anak ng 8 kung wala naman pla kayong maayos n buhay n mabibigay kagigil ka ate!!!!
He is very generous but this woman is taking advantage of Mr. Raffy.
Nakakapanindig balahibo yung kakapalan ng mukha ng anak ni nanay Rosa. Hoy! Laki ng katawan mo, mag trabaho ka. Abusada ka!
Di porket mabait yung tao, aabusuhin nyo. Manggagamit ka! Ang kapal ng mukha mo...
grabe super kapal ng mukha mu ateng d ko kinaya.. binigay na ung kaliwa gusto mu pa pati kanan.. sarap sampalin
ate hinay hinay lang sa paghihingi kay raffy jusko ginagawa mo na syang sugar daddy sa kakarequest mo eh
Jusme... Pano daw pagnawala na nanay nya if tuloy pa din daw ba pag papadala.. Ateng??? Ano na saan na napunta hiya natin??? Kilabutan kahit konti pls..ako nahihiya sa mga asta mo...

Si Raffy Tulfo ay isang broadcast journalist na kilala sa kanyang pagbibigay ng tulong sa mga taong nangangailangan ng tulong. Isa siya sa magkakapatid na Tulfo sa programang "ISUMBONG MO: TULFO BROTHERS" kasama sina Ramon, Ben and Erwin Tulfo.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Hugis Puso, Kulay Ginto, Mabango Kung Amuyin, Masarap Kainin| HumanMeter

Human Meter hits the streets and asked random people some tricky Pinoy riddles. There's nothing better than some good vibes to make you feel alive. Wait no more and smash the play button to enjoy this hilarious video.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel