Mister na bumili ng footlong imbis na hotdog, nag-iiyak at nagmakaawa kay misis

Mister na bumili ng footlong imbis na hotdog, nag-iiyak at nagmakaawa kay misis

- Isang viral na kuwento ang pinag-usapan sa social media na may kinalaman sa footlong at hotdog

- Inireklamo ni misis sa tanggapan ni Idol Raffy ang mister niya na marami raw nagawang kasalanan sa kanya

- Umani ng samu't-saring reaksyon mula sa netizens ang kuwento nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa na namang viral na kuwento ng mag-asawang sina Judilyn at Andres Almasol ang sinubaybayan ng maraming netizens.

Nalaman ng KAMI na dumulog sa tanggapan ng 'Raffy Tulfo in Action' si misis upang ireklamo ang kanyang mister na dalawang beses na nambabae.

Ang una raw nitong naging babae ay kasamahan ni misis sa trabaho at ang pangalawa naman ay isang 17-anyos.

Gusto ni misis na tigilan na siya ni mister dahil naka-move on na raw siya at nais na lamang ang payapang buhay para sa kanila ng anak niya.

Sabi pa nga ni misis "Nakayanan namin ng anak mo na wala ka. Iniwan mo kami ng anak mo nung 7 years old siya, sumama ka sa kabit mo. Ako lang mag-isa nagtaguyod sa anak mo. Inisip mo ba kami noon?

"Tapos ngayon naka-move on na ako, pinipilit mo akong makipagbalikan sayo. Tapos sabi mo pag may nakita kang lalaki ko papatayin mo."

"Kasi nga nagseselos ako kasi mahal pa rin kita," sagot naman ni mister.

Watch the video below: (Part 1)

Sa part 2 ng kuwento nila ay nagharap na ang mag-asawa sa studio ng TV5 upang pag-usapan ang kanilang problema.

Sa umpisa ay lumapit pa si mister kay misis at may dala pa itong pagkain para rito. Pero hindi na talaga komportable si Judilyn kaya naman pinagtatabuyan niya itong pumunta sa upuan niya.

Labis ang naging pagmamakaawa at pag-iyak ni Andres para tanggapin siyang muli ng kanyang asawa pero naging matigas na talaga ang puso ni Judilyn, marahil sa labis na sakit na dulot ng pangangaliwa nito.

Kalaunan pa, ang kuwento nilang ma-drama ay biglang nauwi sa katatawanan nang banggitin ni misis ang ginawa ni Andres matapos siyang utusan ng nanay nito na bumili ng hotdog.

Ang binili kasi ni Andres ay footlong at hindi hotdog. Kaya naman hindi napigilan ni Idol Raffy ang labis na pagtawa at halos maiyak na ito.

Watch the video below: (Part 2)

Iba-iba naman ang naging opinyon ng mga netizens sa kuwento nila. Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

"That’s why in a relationship, communication is the key."
"kung mahal mo kahit pagod ka, bbgyan mo ng time! asawa mo yan eh... kaht walang trabaho c lalake di ganun girl..."
"Karma is real...I hate boy who leave his family..."
"Wow pare manigas ka! Two is enough three is a crime"
"ate nd lahat na tao pirpekto minsan dn nagkakamali tau kung laitin mo nman un asawa mo parang wla kau pinagsamahan"
"At the end of the day, nangabit parin si mister. He broke their vows."
"Same cla may fault. Nagger ang girl. Tas 3yrs walng time for her husband... And the laughter of Mr raffy tulpo.. Epic"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, umabot na sa pagtatapos ang kuwento ng OFW na napauwi dahil sa pekeng pagbubuntis ni misis.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this video of Tricky Questions, we asked people how many players there are in a basketball team! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel