Call center agent, nag-resign sa trabaho sa pamamagitan ng 'condolence card'

Call center agent, nag-resign sa trabaho sa pamamagitan ng 'condolence card'

- Kakaiba ang paraan ng isang call center agent sa pagbibitiw sa kanyang trabaho

- Ito ay ang pabirong paraan niya ng pagpapaalam sa kanyang mga teammates

- Umabot na sa 433,700 likes at halos 76,000 retweets ang naturang post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang nakatutuwang gimik ang naisip ng call center agent na si Sam Baines kung paano siya magpapaalam sa kompanyang kanyang pinapasukan sa Sheffield, United Kingdom.

Isang taon din siyang namalagi sa trabaho ngunit kinailangan na niyang mag-resign upang matutukan ang kanyang pag-aaral sa unibersidad.

Ngunit, ninais ni Sam na gawin ang pag-alis sa paraang di siya makakalimutan ng kanyang mga kasama sa trabaho.

Kaya naman gumamit siya ng condolence card na may nakasulat na “So very sorry for your loss” at “Thinking of you at this difficult time."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nilagay na rin ni Sam ang petsa kung hanggang kailan na lamang siya magtatrabaho sa kumpanya, isang buwan mula nang isulat niya ito noong Hunyo 27.

Binahagi ito ng isa niyang ka-opisina na si may Twitter name na h.@bitchitshan na may caption na "One of our team members handed in their notice like this [emojis]"

Tuwang-tuwa naman ang kanyang mga ka-opisina sa kakaibang konsepto na ito ng "pamamaalam"ni Sam. Maging ang mga netizens ay naaliw at nagkaroon pa raw sila ng ideya kung anong gimik ang gagawin nila sakaling sila ay magre-resign na rin sa trabaho.

Umabot na sa 433,700 likes at halos 76,000 retweets ang naturang post.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: School Program Questions We Bet You Can't Answer | HumanMeter

Simple science questions from school program? Well, let's see how simple they are!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel