Guro, binahagi ang nakakadurog ng pusong assignment ng batang ulila na sa magulang
- Viral ngayon ang post ng guro tungkol sa takdang-aralin ng kanyang estudyante
- Ulila na pala ang bata na may dala pa ring takdang-aralin tungkol sa kanyang pamilya
- Hinangaan ng netizens ang katapangan at katatagan ng batang lalaking nasa pangangalaga na ng kanyang lola at tiya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw atensyon ngayon sa social media ang post na binahagi ng gurong si Arnold Legara Cuevas tungkol sa takdang-aralin ng kanyang estudyante.
Nalaman ng KAMI na pinagdala pala ni teacher Arnold ang mga estudyante ng larawan ng kanilang pamilya.
Pumukaw sa atensyon ng guro ang batang si Rheann Khinn Cabahog.
Sa kanyang takda, sinulat niya ang: "Ang aking pamilya noon ay saya saya namin kami noon nagsisimba kami at kumakain sa labas. Pero dumating ang araw na bigla ako lumungkot kasi ang mama at papa ay kinuha ni God pati mga kapatid ko. iniwan na nila akong nag-iisa Super lungkot ng buhay ko."
Dito nalaman ng guro na pumanaw at di nakaligtas ang mga magulang at mga kapatid ng kanyang estudyante sa sunog.
Natutulog noon ang pamilya ng batang si Rheann nang maganap ang trahedya kaya naman di nakatakas agad ang kanyang pamilya.
Halos gusto na raw sumama na rin ng bata sa kanyang pamilya ngunit laking pasalamat daw niya sa guro niyang nagsalba ng kanyang buhay.
Nagpapasalamat din si Rheann sa lola niya at tiya na sila ngayong kumukupkop, nag-aaruga at nagmamahal sa kanya.
Tunay na kahanga-hanga ang bata dahil sa kabila ng pangyayaring ito sa kanyang buhay ay patuloy pa rin siyang nagsusumikap at lubos siyang nagpapasalamat sa lahat ng patuloy na nagmamahal sa kanya.
Dahil dito, maging ang mga netizens ay naging emosyonal nang malaman ang kwento ng buhay ng batang si Rheann.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Narito ang ilan sa kanilang komento na karamihan ay hangad ang kabutihan para sa batang si Rheann:
"Keep strong baby boy. . .god bless"
"laban lng Bb Boy jan cla sa tabi mo pati c Lord gabayan ka nila lage"
"Tayong mga teachers lamang ang nkaramdam ng lungkot sa mga napagdaanan ng ating mga pupils..subrang kirot sa puso naman ito."
"Naiyak nman ako habang babasa ko to npakabata panya pra mg isa sa buhay."
"Let me hug you baby, Be strong opo!!"
"Ang buhay nga nman..nkkaiyak to"
"Just keep on praying boy. Hindi ka pababayaan ni Lord."
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tricky Questions: School Program Questions We Bet You Can't Answer | HumanMeter
Simple science questions from school program? Well, let's see how simple they are!
Source: KAMI.com.gh