Tatay at kabit, nahuli ng 7-anyos na anak na nagmimilagro sa banyo

Tatay at kabit, nahuli ng 7-anyos na anak na nagmimilagro sa banyo

- Dumulog ang isang OFW sa Raffy Tulfo in Action at inireklamo ang kanyang mister

- Nahuli kasi ng kanilang 7-anyos na anak na ito'y may milagrong ginagawa sa banyo kasama ang kabit

- Bukod dito, pinapatulog pa niya ang bata na kasama siya at ang kabit niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog si Maria Laarni Manao, isang nurse sa Jeddah, sa Raffy Tulfo in Action, at inireklamo ang kanyang mister at ang kabit nito.

Nalaman ng KAMI na si Edgar Manao ay may kinakasama nang iba, at ang masaklap pa ay nakikita ito ng mga anak nila.

Nagsumbong kay Laarni ang 7-anyos niyang anak, at sinabing nahuli niya ang ama at ang "kaaway ni mama" sa banyo na naliligo.

Kuwento ng bata, di naman daw siya pinagalitan ng ama dahil dito at parang nagkita lang daw sila.

Minsan naman ay natulog siya kasama ang ama at ang babae at sinabihan siyang nangangain daw ang cabinet. Iyon pala, gusto lamang magyakapan ng ama at ng kabit nito.

Ayon pa sa kuwento ni Laarni, kinumpronta na si Edgar ng kanilang panganay, kaya lang, akmang sasampalin pa siya ng ama dahil sa ginawang pagkumpronta.

Nang magkaharap na si Laarni, Edgar at ang kanilang anak, sinabi pa ni Edgar na yung pambababae niya ay "call of nature" lang daw.

Sabi naman ni Laarni ay tinry niyang intindihin si Edgar, pero nag-stick na siya sa isa at iyon ang di matatanggap ni Laarni.

Panoorin ang kumprontasyon sa pagitan ni Laarni at Edgar.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel