Jose Rizal: hero on a budget! 5 leksyon mula sa ating pambansang bayani

Jose Rizal: hero on a budget! 5 leksyon mula sa ating pambansang bayani

-Nagmula sa maalwang pamilya ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal

-Ngunit ayon sa isang financial adviser, naging maingat sa pera si Rizal

-Ilan sa mga ito ay ibinahagi ayon sa kasaysayan ng ating ipinagmamalaking bayani

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Marahil lahat ng Pilipino ay alam na ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal ay isang matalinong tao.

Ngunit alam niyo ba na naging wais rin ito pagdating sa pera?

Nagmula si Rizal sa isang maalwang pamilya sa Calamba ngunit ayon sa financial adviser na si Henry Ong, naging maingat ito sa paggastos ng kanyang pera.

Sa pamamagitan ng isang artikulo, ibinahagi ni Ong ang limang leksyon na matutunan kay Rizal pagdating sa paghawak ng pera.

Una, matuto tayong mag-budget ng ating pera.

Noong nasa Madrid si Rizal taong 1884, napag-alamang mayroon itong diary kung saan inililista nito ang lahat ng kanyang nagagastos.

Ang nasabing diary ay kasalukuyang nasa Newberry Library sa Chicago, kung saan makikita kung gaano ka-detalyadong inilista ni Rizal ang kanyang mga pang-araw-araw na gastos, tulad ng post stamps, libro at maging mga lotto ticket.

Ayon sa historian na si Ambeth Ocampo ang madalas na bilhin ni Rizal ay mga libro at reading materials ngunit hindi ganoon pagdating sa pagkain.

Ikalawa, palaging humanap ng paraan kung paano makakatipid.

Noong nasa Europe si Rizal. palagi raw nitong inirereklamo ang pagtaas ng bayad sa mga tinutuluyang hotel kung kaya naman palipat-lipat ito ng tirahan kung saan ito makakatipid.

Noong unang dating nito sa Heidelberg, taong 1886 ay nanuluyan ito sa isang pension house at kalaunan ay lumipat sa mas murang tirahan.

"Tomorrow I am going to change my residence and move to No.12 Ludwigsplatz, near the University.

"The room alone with service, light, and heating costs me eight pesos a month or 32 marks.

"I shall eat at the restaurant during the day and at night take supper in my room in German style, that is, a cup of tea, bread, and butter.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

"I believe that in this way I can live on 25 pesos a month with board and lodging.” anito sa kanyang diary.

Ikatlo, disiplinahin ang sarili 'pag dating sa utang at agad itong bayaran.

Hindi naging madali para kay Rizal ang ilathala ang kanyang unang nobela na Noli Me Tangere kung kaya naman nangutang ito sa kanyang matalik na kaibigan na si Maximo Viola.

At nang matanggap ni Rizal ang kanyang funds mula sa kapatid na si Paciano ay agad niyang binayaran ang kaibigan.

Ikaapat, matutong mag-invest at palakihin ang ipon.

Noong ipinatapon na ito sa Dapitan taong 1892, nanalo si Rizal sa lotto na may premyong P20,000 ngunit tatlo silang naghati rito.

Nakuha ni Rizal ang kanyang premyo na nagkakahalaga ng P6,200 at kung iko-convert ang halaga ngayon ay nasa P3 million na ito.

Agad nitong ginamit ang pera para makabili ng mga lupa. Bumili ito ng 16-hectare na farm sa Talisay, Dapitan, kung saan din siya bumili ng bahay.

Bumili pa si Rizal ng ilan pang lupain sa mga baryo ng Dapitan at umabot sa 70 hectare na ang kabuuan ng kanyang mga pag-aaring lupa.

Ang kanyang farm ay mayroong mga abaca plants, coconut palms, kape, cacao at iba't-ibang klase ng mga puno ng prutas.

Ikalima, matutong mangahas na sumubok sa negosyo.

Noong bumalik si Rizal sa Calamba noong 1887 matapos manatili sa Europa ng ilang taon, nagtayo siya ng isang klinik kung saan una niyang naging pasyente ang kanyang ina na si Teodora Alonzo.

Ang kanyang reputasyon bilang isang doktor mula sa Germany ay naging hatak nito para makilala at dumami ang pasyente nito mula sa Maynila.

At dahil makatwiran ang kanyang hinihinging bayad ay mas dumami pa ang kanyang mga pasyente at umabot sa P900 ang kinikita niya sa loob ng isang buwan.

Noon namang nasa Hong Kong si Rizal taong 1891, nagtayo rin ito ng klinik doon sa No. 5 Aguilar Street in Central district.

Nagkaroon din ito doon ng maraming pasyente at nakilala bilang isang magaling na eye surgeon para sa mga lokal na mamamayan at maging sa Filipino community doon.

Jose Rizal: hero on a budget! 5 leksyon mula sa ating pambansang bayani
Photo source: Google Images
Source: Getty Images

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Independence Day: Would You Destroy Filipino Flag For Money? On June 12 we celebrate Philippines Independence Day. Let us see how seriously our people treat this holiday. -on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone