Lolo, sinagasaan ng tricycle at itinapon sa talahiban, navideohan pa na nag-aagaw-buhay

Lolo, sinagasaan ng tricycle at itinapon sa talahiban, navideohan pa na nag-aagaw-buhay

- Isang lolo ang nasagasaan ng tricycle nang madaling araw at itinapon sa damuhan

- Ang mga nakatagpo kay lolo na nag-aagaw buhay ay kinunan pa siya ng video na hirap nang huminga

- Maraming netizens ang nagpahayag ng galit sa nakasagasa at sa mga kumuha ng video habang nag-aagaw buhay si lolo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kumalat ngayon ang video ng isang lolong sinagasaan ng tricycle bandang 5:00 A.M. sa Soliven, Litex Commonwealth.

Nalaman ng KAMI na ang lolo ay si Arturo Delos Angeles, 62-anyos, at dinescribe ng mga kamag-anak na mabait na tao.

Nakita sa video kung paano nasagasaan ng isang tricycle si Lolo Arturo.

Ang masaklap pa, imbes na dalhin sa ospital ng mga nakasagasa ay itinapon siya sa damuhan sa Doña Carmen Subdivision mga bandang 5:30AM.

May mga nakakita kay Lolo pero nagawa pa nilang kunan ng video ang matandang sobrang hirap nang huminga.

Ayon sa nag-upload ng videos sa Facebook na si Dhen Valenzuela, sinabi daw ng nakasagasa kay lolo na sila na ang magdadala sa kanya sa ospital.

Pero imbes na sa ospital, itinapon lamang siya talahiban sa kalapit na subdivision.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sobra ang pafhihinagpis ng pamilya at maraming netizens ang nagpahayag ng galit sa ginawa ng mga nakasagasa sa matanda.

Eto ang buong post ni Dhen:

"Kung sino man po nakakaalam o nakakilala sa may ari ng tricycle na walang awang sumagasa at ngtapon sa Kanya sa talahiban,Sana po ay ipagbigay alam sa amin o sa kinauukulan,.nagmamakaawa po kmi na sana'y matulungan nyo kming mahuli ang walang awang gumawa nito sa biyanan ko..Isang napakabait na tatay at lolo ang kinuha mu saamin..

At sa taong gumawa nito sa kanya sana iniwan mu na lng sya sa kalsada Para natulungan pa sya ng iba at nadugtungan pa sana ang buhay nya..di nmn hayop ung nasagasaan mu kuya tao po un..TAO UN..TAO!wala kang kunsenSya matanda na un nagawa mu pang itapon..akala mu mabubulok na lng sya dun para wala kang pananagutan,para ligtas ka sa batas,MAkapagtago ka man may diyos pa din na syang maghuhusga sayo..Buhay pa sana sya ngaun kung di mu sya tinapon..KUNG sa hospital mu sya dineritso hindi sa talahiban..

Ngyari po ito nung june 4 2019 quarter to 5:00 ng umaga Sa soliven,litex commonwealth..at natagpuan po sya sa donya carmen subdivision ng 5:30 am ng araw ding un..Sana po matulungan nyo kaming makamit ang hustisya."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)