Fact check: Bakit June 12 ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Independence day?

Fact check: Bakit June 12 ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Independence day?

-Ayon sa ating kasaysayan, ang paggunita sa araw ng kasarinlan ng Pilipinas ay nag-iba-iba

-Ang pinaka-unang tala ay noong Abril 12, 1895 sa Kuweba ng Pamitinan sa Montalban, Rizal

-Sa ilalim ng Batas Republika Blg 4166 naitakda ang Hunyo 12 bilang "Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Ayon sa ating kasaysayan, ang pagdiriwang o paggunita sa araw ng kasarinlan ng Pilipinas ay nag-iba-iba.

Ngunit mula noong Mayo 12, 1962, naglabas si Pangulong Diosdado Macapagal ng Proklamasyon ng Pangulo Blg 28, na siyang nagtakda sa Hunyo 12 bilang natatanging pista opisyal sa buong Pilipinas.

Bago nito, taong 1898, Hunyo 5 nang maglabas ng utos si Emilio Aguinaldo na nagtatakda sa Hunyo 12 bilang pagpapahayag ng kasarinlan.

Ang kaganapan ay pinamunuan ni Aguinaldo sa kanyang tahanan sa Kawit, Cavite na kilala noon bilang Cavite El Viejo.

Fact check: Bakit June 12 ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Independence day?
Photo source: Google Images/Aguinaldo Shrine
Source: Getty Images

Dito taimtim na binasa ang Acta de la Proclamacion de la Independencia del Pueblo Filipino ni Ambrosio Rianzares Bautista.

Dito rin unang beses na opisyal na iwinagayway ang watawat ng Pilipinas habang pinatutugtog ng banda ng San Francisco de Malabon ang Marcha Nacional Filipina, bandang 4:20 ng hapon.

Ang kapahayagan na naglalaman ng 21 pahina ay nilagdaan ng 97 mga Pilipino.

Ngunit hindi ito kinilala ng Estados Unidos at Espanya at kalaunan ay isinuko ng Espanya ang kapuluan ng Pilipinas sa Estados Unidos sa ilalim ng kasunduan sa Paris.

Hindi naman ito kinilala ng Pamahalaang Rebolusyonaryo ng Pilipinas at kinalaunan ay nagpahayag ng digmaan laban sa Amerika.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Sa ilalim ng Kasunduan sa Maynila ay pinagkaloob ng Estados Unidos ang kasarinlan ng Pilipinas noong 4 Hulyo, 1946 at sa petsang ito ipinagdiwang ng mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan hanggang 1962.

Agosto 4, 1964, isinabatas ang Batas Republika Blg 4166 na nagtatakda sa Hulyo 4 bilang "Araw ng Republika ng Pilipinas", at sa Hunyo 12 bilang "Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas".

Ngunit alam niyo ba na noong Abril 12, 1895 ang pinaka-unang tala ng araw ng paggunita ng kasarinlan?

Ito ay noong pumunta si Emilio Jacinto, Restituto Javier, Guillermo Masangkay, Aurelio Tolentino, Faustino Manalak, Pedro Zabala at iba pang mga Katipunero sa Kuweba ng Pamitinan sa Montalban, Rizal.

Fact check: Bakit June 12 ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Independence day?
Photo source: Google Images/Kuweba ng Pamitinan
Source: Getty Images

Dito isinulat ni Andres Bonifacio ang Viva la independencia Filipina! o Mabuhay ang kasarinlan ng Pilipinas sa pader ng kuweba upang ipahayag ang layunin ng lihim na samahan.

Si Bonifacio rin ang namuno sa Sigaw sa Pugad Lawin na siyang naghudyat sa Rebolusyong Pilipino at doon pinunit nila ang kanilang sedula bilang pagtutol sa pananakop ng mga Kastila.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning. Check out all of our exciting videos -on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone