Raffy Tulfo, nagsalita na tungkol sa anak niya kay Licup at iba pang matinding pasabog

Raffy Tulfo, nagsalita na tungkol sa anak niya kay Licup at iba pang matinding pasabog

- Viral ngayon ang video ng official statement ng broadcaster na si Raffy Tulfo tungkol sa isyu ng babaeng nagpapakilala bilang unang asawa niya

- Matapang na nagsalita si Tulfo tungkol sa anak niya kay Julieta Nacpil Licup

- Umani ito ng iba't-ibang reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maingay ngayon ang balita ng isang babaeng nagpapakilala bilang unang asawa umano ng broadcaster na si Raffy Tulfo.

Si Julieta Nacpil Licup ay nag-file ng kasong bigamy laban kay Tulfo sa Office of the City Prosecutor sa Quezon City.

Inaakusahan din ni Licup na itinago umano ni Tulfo ang kanilang anak sa publiko.

Nalaman ng KAMI na bilang depensa, naglabas ng official statement si Raffy sa pamamagitan ng kanyang programa sa TV5.

Dinetalye ni Tulfo ang tungkol sa kanyang anak kay Licup.

"Noong ako po ay isa palang struggling broadcaster o naghihikahos na mamamahayag, maraming taon nang nakararaan, I reached out to my daughter with her at nagkita po kami ng aking anak sa kanya at ako po'y nagbigay ng tulong pinansyal at mga regalo."

Ayon kay Tulfo, si Licup ay kasal na ngayon sa isang foreigner na si Arthur Joseph Pearson.

Blackmail at extortion ang sigaw ni Tulfo sa likod ng motibo umano ni Licup laban sa kanya dahil humihingi ang kampo nila ng malaking halaga sa kanya at kalahati ng suweldo niya sa TV5 kada buwan.

"One day ito pong si Mrs Julieta Licup Pearson ay nag-request na makipagkita sa akin at pinaunlakan ko naman po sa isang restaurant sa Quezon City. Yun pala, ang reason ng kanyang pakikipagkita sakin upang humingi ng P25 million pesos.

"On top of that gusto niya po ay yung kalahating buwan ng suweldo ko, kada buwan, ibibigay ko po sa kanya," paliwanag ni Tulfo.

Paglalahad pa ni Tulfo, noong nabalitaan niyang ikakasal na ang anak niya kay Licup, sinubukan niyang makausap ito at magbigay ng tulong sa kanyang kasal pero hindi ibinigay ang mobile number ng kanyang anak.

"Dumating po yung time, this was last year December. Na napag-alaman kong ikakasal na yung anak ko sa kanya. Kinausap ko po yung mga kamag-anak niya para hingin yung bagong number ng anak ko upang ako po'y makapagbigay ng tulong sa kasal.

"10,000 US dollars as a matter of fact. Pero tumanggi po silang ibigay yung number ng bata."

Watch the video below:

Maraming netizens ang nagpahayag ng suporta kay Idol Raffy at humanga sa kanyang sinseridad at pagiging tapat.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento sa social media.

"no one can put a good person down. your sincerity goes a long long way. 100M supporters behind you, mr tulfo."
"Still we love and support you Idol Raffy. God bless you more and more"
"Nagkataon o planado??? Tssssk nag ka problema lng si mr erwin lumabas bigla sya"
"At least umamin si sir raffy dun sa anak niya sa babae. tas sasabihin tinatago raw. isip ka nlang iba mo pwede panira licup!"
"That woman is extra ordinary gold digger.... Omgggggg.. Don't worry Sir Raffy tulfo... We are on your side...."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, isang mister na guard, nanggigil kay misis matapos silang ipagpalit sa bagong pag-ibig.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this video of Tricky Questions, we asked people to translate Filipino proverbs to English! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco