Ben Tulfo, sinagot ang netizen na nagsabing natatakot na sila
-Hindi napigilan ng batikang Bitag host ang isang netizen na nagsabing natatakot na sila matapos magbigay ang order ang PNP na alisin ang kanilang security
-Ani Tulfo, hindi sila natatakot dahil mayroon naman silang VIP security escorts
-Kamakailan lamang ay binatikos nito si DSWD Rolando Bautista matapos magbigay ng kondisyon para mapatawad ang kapatid nitong si Erwin Tulfo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Mainit pa rin ang isyu sa pagitan ng Tulfo brothers at ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) chief Rolando Bautista.
Sa isang tweet ni Ben Tulfo noong Biyernes, muling nagpahaging ang broadcast journalist kay DSWD Bautista.
“Kapag ang tao nagpakumbaba, umaamin ng pagkakamali ay hindi dahil natitinag at natatakot. Patatawarin mo o hindi? Dami mong cheche bureche. O baka may matinding pangangailangan, dinadaan lang sa donasyon?” anito.
Isang netizen ang agad na nag-komento rito at sinabing natatakot na raw sila.
"Natatakot na kayo o. Wala na finish na. Tanggal na mga escort nyo... Kaya galit na galit na kayo. Aabangan ko to mag sosorry to."
Hindi naman ito pinalagpas ni Ben Tulfo at sinabing hindi sila natatakot dahil mayroon naman silang VIP security.
“Hindi namin kailangan ng PNP escorts. May mga VIP security escort kami, yung iba sa kanila ring fighters at yung iba ay mga honorably discharged na army na handang lumaban sa oras ng gitgitan. Ever heard the word “the last man standing” when the smoke settles?” ani Tulfo.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read
Matatandaang nagsimula ang isyu nang murahin ni Erwin Tulfo sa kanyang radio program si Bautista nang 'di ito napagbigyan sa isang panayam ng huli.
Marami ang hindi nagustuhan ang ginawa nito kabilang na ang ilang PMA alumni ni Bautista.
Dahil dito, nagkaroon ng order na alisin ang lahat security escorts ng mga Tulfo mula sa Philippine National Police (PNP).
Humingi na ng paumanhin si Erwin kay Bautista ngunit ang huli ay nagbigay ng kondisyon bago tanggapin ito kabilang na ang donasyon sa tinatayang 19 charities at public apology sa mga media outlet.
Maaanghang rin ang naging pahayag ni Ben Tulfo kaugnay nito at binara si Bautista sa pamamagitan din ng kanyang social media accounts na una nang naiulat ng KAMI.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tricky Questions: What Is The Meaning Of 'Petsa De Peligro'? Can you answer all these questions without using Google? The people in the streets who answered our tricky questions will make you laugh out loud! Check out all of our exciting videos – on KAMI
Source: KAMI.com.gh