16 anyos mula Iloilo, nakadiskubre ng posibleng maging gamot sa diabetes
- Isang batanag scientist ang nakadiskubre ng posibleng maging gamot sa diabetes
- Pinag-aralang mabuti ni Maria Isabel Layson ang bunga ng aratiles kahit di ito ganoong napapansin
- Si Layson ang naging pambato ng bansa sa Intel International Science and Engineering Fair sa Arizona USA
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sadyang nakakabilib ang 16 na taong gulang na si Maria Isabel Layson dahil sa pagkakdiskubre niya ng maaring maging gamot sa diabetes.
Ayon sa ulat ni Regi Adosto ng ABS-CBN news, Ang dalagitang scientist na ito na tubong Iloio city ay naging kinatawan ng bansa sa Intel International Science and Engineering Fair in Arizona nito lamang nakaraang buwan.
Una na siyang nanalo noong Pebrero sa National Science and Technology Fair.
Di man pinalad na manalo sa ibang bansa, naniniwal ang karamihan na napalaking tulong ng nadiskubre nni Layson sa larangan ng medisina.
Ang nakakahanga pa rito, wala halos pumapansin sa mismong prutas na pinag-aralan niyang maging gamot at ito ay ang aratiles.
“Nobody pays attention to the fruit and its medicinal properties. They don’t realize that it has potential for becoming a regulator of diabetes,” pahayag ni Layson.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Sa kanyang pagsasaliksik nakita niya na mayroong anti-diabetic component ang aratiles.
Ito raw ay ang anthocyanin, flavonoid and polyphenol na siyang mga mahahalagang bahagi namaaring makagamot sa lumalalang kaso ng diabetes sa buong mundo.
Bukod sa diabetes, magsasaliksik pa rin daw si Layson ng iba pang maaring maging lunas sa iba pang lumalaganap na sakit ngayon.
Ayon sa Department of Health, isa ang diabetes sa nakamamatay na sakit sa buong mundo.
Katunayan, dito na lamang sa ating bansa, tumaas na ang bilang ng mayroon nito ng nasa 7.8 na mga diabetic na Pinoy.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Actor Baron Geisler in a very sincere and powerful interview to HumanMeter speaks about the tough years of his alcohol addiction and about how he found his way out of this complicated situation.
Baron Geisler: I'm In Love With God | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh