17-anyos na binatilyo, pinagtripan at ninakawan ang 1 bangkay sa sementeryo

17-anyos na binatilyo, pinagtripan at ninakawan ang 1 bangkay sa sementeryo

-Tila pinaglaruan pa raw ng isang 17-anyos na binatilyo ang isang bangkay na pinagnakawan pa nito

-Ayon sa supulterero, nagulat raw sila ng kanyang pamangkin nang makitang nakalabas na ang kabaong ng isang yumaong kapitan

-Nadiskubre pa na kinuha mula sa bangkay ang jacket at wallet na ipinabaon dito ng mga kaanak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masama ang loob ng mga kaanak ng isang barangay captain na yumao noong isang buwan matapos nakawan at paglaruan ang bangkay nito.

Ayon sa ulat ni Ivy Hernando ng GMA News, nagulat raw ang supulterero nang makitang butas-butas na ang isang nitso sa sementeryong kanyang binabantayan.

Inilabas na rin daw mula roon ang kabaong ng namayapang kapitan na halos nakatayo na raw.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nadiskubre pa na nawawala ang jacket at wallet na ipinabaon dito ng mga kaanak.

Ang masakit pa, tila pinaglaruan pa ng suspek ang bangkay dahil sinuotan pa raw ito ng shades.

Ang suspek, isang 17-anyos na binatilyo na ayon sa mga pulis ay mayroon umanong problema sa pag-iisip.

Nakuha naman mula rito ang mga gamit na ninakaw nito mula sa bangkay at maging ang mga ginamit nito para sirain ang nitso.

"Medyo meron talagang ano [problema] siya sa pag-iisip niya," sabi ni Police Major Rogelio Miedes, officer-in-charge ng Narvacan police station.

Ayon sa ulat, nasa kustodiya na muli ng pamilya nito ang suspek.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Burger And Fries Battle: How Many Can You Eat? Our hosts Javen and Roi pick up a rough Burger and Fries Battle. Who can eat more? Let us find out! Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel