Sa gitna ng isyu! "Tutok Erwin Tulfo", hindi umere sa Radyo Pilipinas

Sa gitna ng isyu! "Tutok Erwin Tulfo", hindi umere sa Radyo Pilipinas

-Sa gitna ng mainit na isyu sa pagitan ni Erwin Tulfo at ng DSWD Secretary na si Rolando Bautista, hindi napakinggan ang programa ng una ngayong Lunes

-Ngunit ayaw pang mag-komento ng Philippine Broadcasting Service dito

-Samantala, nakiusap naman si Tulfo na huwag nang idamay ang kanyang pamilya at mga kapatid dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Hindi napakinggan ngayong Lunes ang programan sa radyo ni Erwin Tulfo.

Ang "Tutok Erwin Tulfo" ay umi-ere mula Lunes hanggang Biyernes, alas-10:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali sa government radio station na Radyo Pilipinas.

Ayon sa ulat ng TNT Abante, wala pang malinaw na pahayag ang Philippine Broadcasting Service (PBS) kaugnay nito.

Hindi pa rin sigurado kung ito ay tinanggal o sinuspinde lamang.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Sabi ni Bong Aportadera, Director General ng PBS, ayon sa ulat, hindi pa sila makapag-bibigay ng pahayag dahil patuloy pa rin ang pag-uusap ng mga opisyal.

“No comment muna, nag-uusap pa ang mga opisyal ng Radyo Pilipinas hingil sa insidente. Maglalabas sila ng official statement sa susunod na Linggo,” ayon kay Aportadera.

Nag-ugat ang isyu nang murahin ng broadcast journalist si Bautista nang hindi magpa-unlak ang huli ng panayam kay Tulfo.

Una nang naiulat ng KAMI ang paghingi ni Tulfo ng paumanhin kay Bautista.

At kamakailan, ay nagbigay na rin ng pahayag si Raffy Tulfo kaugnay sa kinakaharap ng kapatid, na una nang naibalita ng KAMI.

Samantala, ayon naman sa ulat ng Radyo Pilipinas, sinabi ni Erwin Tulfo na bagamat mag-to-tone down sila sa kanilang komentaryo ay mananatili ang kanilang serbisyo publiko.

Nananawagan din ito na huwag nang idamay sa isyu ang kanyang pamilya at mga kapatid.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone