Honor student, napagtagumpayan ang pag-aaral sa kabila ng pagiging dalagang ina

Honor student, napagtagumpayan ang pag-aaral sa kabila ng pagiging dalagang ina

- Hinangaan ang isang honor student sa Cebu dahil nagtapos pa rin ito bilang isang honor student kahit pa maaga itong nabuntis

- Consistent honor student mula elementary si Jhaine Bleszel Baclay na si inaasahang maging ina sa kanyang murang edad

- Bagaman at nadismaya sa una ang kanyang ina sa nangyari, di pa rin siya pinabayaan nito at nagsumikap pa rin siyang makatapos ng pag-aaral

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang nakabangon sa isang pagsubok ang consistent honor student na si Jhaine Bleszel Baclay.

Nakatapos ito ng senior high school ng may 16 na mga awards, patunay na honor student pa rin siya sa kabila ng maagang pagiging ina.

Ayon sa Cebu Daily news ng Inquirer.net, taong 2016 opisyal na naging ina si Jhaine. Ramdam niyang napanghinaan ng loob ang kanyang ina sa pangyayaring ito kay Jhaine ngunit sinuportahan pa rin niya ito.

Masakit man sa ina na siyang mag-isang bumubuhay sa tatlong mga anak, kasama na si Jhaine. Aminado siyang tila gumuho ang mundo ng ina nang mangyari ito sa kanya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isang taon matapos manganak, bumalik sa pag-aaral si Jhaine at di niya binigo ang pamilya.

Kamakailan ay nagtapos siya ng senior high school at nakatanggap siya ng 16 na mga awards at siya rin ang hinirang na class valedictorian.

Masasabing ito na ang kanyang pagbangon dahil sa mga natanggap niyang pangungutya sa ibang tao.

Sa ngayon, nakatatanggap siya ng suporta mula sa ama ng kanyang anak, bagay na pinagpapasalamat niya at natutugunan nila ang pangangailangan ng bata.

Balak pa rin niyang ipagpatuloy ang pag-aaral at kumuha ng kursong Mass Communications.

Payo niya sa mga katulad niyang batang ina: “Even if you have your own children, this is not a reason not to pursue your dreams. Stop thinking on negative thoughts."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica