Plastic bottles, pinapalit sa mga school supplies sa isang barangay sa Laguna

Plastic bottles, pinapalit sa mga school supplies sa isang barangay sa Laguna

- Hinahanagaan ngayon ang isang barangay sa Laguna dahil sa naisip nito para sa nalalapit na pasukan

- Plastik na bote lamang ang kapalit ng mga school supplies na maaring magamit ng mga estudyante ngayong pasukan

- Dapat daw itong pamarisan ng iba pang mga barangay na nakutulong na sa kabataan, nakatulong pa sa kalikasan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang ginagawa ng isang barangay sa Laguna kung saan programa nila ang “Palit plastic bottle sari-sari store”.

Sa post na binahagi ng Philippine Star, Naisip daw ito ng Sangguniang kabataan ng barangay Banilad, Nagcarlan Laguna para sa nalalapit na pasukan.

Tumatanggap sila ng 1.5 hanggang 1.75 na litrong plastic bottles na maari nilang ipalit sa notebook, lapis, sharpener, at crayons.

Napakagandang konsepto ng proyekto ito dahil nakatulong na sila sa mga mag-aaral, nakatulong pa sila sa kalikasan.

Humanga ang karamihan ng netizens sa nakakita sa post na ito na sana raw ay pamarisan ng iba pang barangay sa bansa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

”Galing ng nakaisip nito!”
”Sana all! Marami ngayon ang mga kabataang marahil wala pang gamit sa eskwela”
”Malaking tulong nito sa mga estudyante. Hahanap lang sila ng plastic bottles magkakaroon na sila ng gamit!”
"Good job Laguna! ganito dapat sa lahat ng barangay sa bansa pwera na lang yung libre talaga ang school supplies"
"Kudos sa nakaisip nito! nakatulong na sa mga bata, nakabawas pa sa basura sa paligid!"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel