Bato Dela Rosa, handang "mag-seminar" sa paggawa ng batas

Bato Dela Rosa, handang "mag-seminar" sa paggawa ng batas

- Isa si Ronald "Bato" Dela Rosa sa sigurado nang pasok sa 12 na senador nakakalamang sa iba

- Aminado si Bato na nais niyang matutunan ang trabahong kanyang pinasok bilang isa sa mga senador ng bansa

- Kumpiyansa si Bato noon pa man sa posibilidad ng kanyang panal base sa naging pagtanggap sa kanya ng tao noong sila ay nangangampanya pa lamang sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mula pa sa pinaka-unang partial result ng botohan para senador ngayong eleksyon, di na bumaba sa pa sa ikalimang pwesto si Ronald "Bato" Dela Rosa.

Nang nakapanayam ito ng CNN Philippines, inamin nito na handa siyang matutunan ang mga responsibilidad ng isang senador.

"Meron bang seminar diyan o ano bang training diyan para matutunan ko 'yung paano gawin 'yung batas. Ano ba ang mga trabaho namin diyan sa Senado? Kung merong ganun, I will take that opportunity para matuto ako," paliwanag ng dating PNP chief.

Noon pa man, malaki na raw ang kumpiyansa ni Bato na manalo base sa naging pagtanggap sa kanya ng mga tao sa kanilang pangangampanya.

"Hindi ko basehan 'yung survey. Nararamdam ko sa pag-iikot ko. Ramdam ko ang tanggap sa taumbayan sa akin. Sabi ko, mananalo ako dito. Mananalo ako," pagkumpirma ni Bato.

Malaki rin daw ang naging bahagi ng pagsuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Dela Rosa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit, aminado rin si Bato na di na niya tinangka pang pumunta ng Unibersidad ng Pilipinas gayung alam naman niyang di siya suportado ng mga ito.

"Pag-UP, hindi na ako pupunta dun. Alanganin ako sa lugar na 'yan... Anti-military ang lugar na 'yan. Ayaw kong pumunta diyan. Anti-police 'yan," paliwanag niya.

Hayagan din niyang sinabing magtatanong-tanong daw siya kina Koko Pimentel at JV Ejercito ng mga dapat niyang gawin sa senado.

Sa ngayon, naghihintay na lamang ng pinal na resulta at proklamasyon si Dela Rosa upang makumpirma na ang magiging bagong tungkulin niya sa bansa.

READ ALSO: Elections 2019 live updates: Partial and unofficial results of Senatorial race

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities.

Jodi Sta. Maria's Experience Working With Gabbi Concepcion | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica