Matandang babae na nagwala sa isang bus dahil umano nasanggi ito, nag-viral na

Matandang babae na nagwala sa isang bus dahil umano nasanggi ito, nag-viral na

- Isang mainit na eksena sa pampublikong bus ang pinag-uusapan ngayon sa social media

- Ayon sa post online, nagalit ang isang matandang babae matapos umanong masagi ng nakatabi niya na may dalang bata

- Umani ito ng samu't-saring reaksyon mula sa netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang matandang babae ang viral ngayon sa social media matapos niyang magwala sa galit sa loob ng isang pampublikong bus.

Nalaman ng KAMI na pinost ni Anne Gaddi sa kanyang Facebook ang video kung saan inaaway siya ng isang matandang babae.

Ayon kay Anne, kasama niya sa biyahe ang kanyang maliit na anak at nagalit daw ang matanda dahil nasagi siya.

Dinamay pa raw ng matanda ang mga Bulakeño nang sabihin nito ang, "Bulakeño palibhasa.."

Narito ang buong caption sa post ni Anne:

"Minsan lang sumakay ng Bus e2 pa napala k0..ndi k0 naman nasasagi may kand0ng ak0ng bata gumawa ng eksena haist

"Di q na vide0 ung unang ganap na nagalit cia dahil nasagi daw cia..

"Nilait pa mga taga bulacan..."

Narito ang mga reaksyon at komento ng netizens sa social media.

"Direct assault. Tapos wala man lang umawat. Pinoy nga naman."
"Ndi maganda Ang inasal mo pati bulakeño dinamay mo pa aus ka ahh"
"Patulfo na ian knq, ksuhan mo nq phisical injury. Hehehehe knq ako qnanian yare ka sken"
"Grabi naman poh yang ugali mo nay di poh Yan ugali ng matinong Tao ako Taga bulacan ako pero yang ugali mo poh di maganda.."
"Malamang kakalabas lang nyan sa mental hospital pls report baka makapanakit pa ng iba."
"Maam, ireport mo. Sinaktan ka nya and sinisigawan nya yang anak mo. Hindi tama yung ginawa nya, at sana aware sya kasi nasa public vehicle sya. Ano pa bang bago kung siksikan at gitgitan sa bus."
"Hanapin mo tas sampahan mo nang kaso harrastment. di mananalo yan. wala nga pang taxi pang bayad pa sa abugado. walang wala mudo yang babaeng yan!"
Matandang babae na nagwala sa isang bus dahil umano nasanggi ito, nag-viral na

Source: FB via Anne Gaddi
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, video ng lalaking nag-reserve ng parking space gamit ang sarili, nag-viral sa social media.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this video, our team interviewed internet sensation Madam Kilay as she shares the details of her breakup with Afam! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel