Malditang bunso na nanampal ng ina, tinarayan pa ang nagpakumbabang ina

Malditang bunso na nanampal ng ina, tinarayan pa ang nagpakumbabang ina

- Dumulog si Nanay Magdalena sa Raffy Tulfo in Action at inireklamo ang pang-aapi ng kanyang mga anak

- Nagharap si Nanay at ang dalawang anak na sina Irish at Kren at sa kabila ng lahat, humingi pa rin ng tawad si Nanay sa mga anak niya

- Niyakap siya ng panganay niyang anak, pero si Kren, di magawang yakapin ang inang humihingi ng tawad sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagharap na si Nanay Magdalena at ang kanyang dalawang anak na babae sa barangay upang maayos ang problema.

Nalaman ng KAMI na sa dalawang anak, talagang nagmatigas si Kren, ang bunsong nanampal sa kanya ng tsinelas.

Ang panganay naman niyang si Irish ay umiyak at humingi rin ng tawad sa ina.

Ayon kay Kren, wala raw siyang problema at okay lang daw sa kanya, pero sa ate niya raw dapat humingi ng tawad ang kanyang ina.

Nang tanungin ang magkapatid kung mahal nila ang ina, agad namang sumagot si Irish na mahal niya ang ina, pero si Kren, nag-atubili.

Tinanong siya ulit at dito na niya sinagot na "Oo basta makita ko yung sinseridad."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tumayo si Irish at niyakap ang ina, pero si Kren, nakalagay ang dalawang kamay sa likuran, ni hindi magawang yakapin nang kusa ang ina.

Sa kabila ng lahat, nagpakumbaba at humingi ng tawad si Nanay Magdalena kay Kren pero talagang matigas ang puso ng anak.

Panoorin ang Part 2 sa nag-viral na kuwento ni Nanay Magdalena.

Sa Part 1, maaalala kung paano isinalaysay ni Nanay Magdalena ang tungkol sa maldita niyang mga anak.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo recounts her most embarrassing moment on set and it's utterly hilarious! Watch it on Human Meter

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel