Amang ilang taon nang di nagsusustento sa anak, kulong
- Arestado ang isang ama sa Taguig dahil umano sa di pagbibigay ng sustento sa anak, ilang taon na ang lumipas
- Lumabag ang ama na ito sa Other Acts of Child Abuse (Non-Support)sa ilalim ng Republic Act 7610 in relation to RA 8369 or the Family Courts Act of 1997
- Kaya nagbabala ang awtoridad sa mga may ganitong klaseng sitwasyon na maging responsable dahil maaring mauwi sa kulungan ang di pagsusustento sa mga anak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isa ama sa Taguig na kinilalang si James Czarvi Esguerra o mas kilala na JC ang inaresto dahil sa di pagbibigay ng sustento sa anak sa dating asawa.
Ayon sa ulat ni Martin Sadongdong ng Manila Buletin, Nasakot ng NCR police si Esguerra sa isang fastfood chain sa C-5 Road, Diego Silang, Barangay Ususan bandang 1:30 ng hapon noong Abril 28.
Ito ay dahil sa paglabag sa Other Acts of Child Abuse (Non-Support)sa ilalim ng Republic Act 7610 in relation to RA 8369 or the Family Courts Act of 1997.
Kwento ng dating asawa na minabuting di na magpakilala, naghiwalay sila ng 33 anyos na suspek noong 2010.
![Amang ilang taon nang di nagsusustento sa anak, kulong Amang ilang taon nang di nagsusustento sa anak, kulong](https://cdn.kami.com.ph/images/1120/a69c5ab4df2fd5b9.jpeg?v=1)
Source: Facebook
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Mula noon hanggang 2013, di na talaga nakapagsusustento pa si Esguerra. Taong 2014 nang tilanatauhan ito at nakapagbibigay na ng pangsuporta sa anak.
Ngunit matapos ang dalawang taon, nagkaroon na muli ng bagong anak si Esguerra na siyang dinahilan niya sa dating asawa nang di na pagbibigay ng sustento sa kanilang anak.
Bagaman at sumusulat pa rin upang humingi ng tulong ang dating asawa sa kanya para sa suporta nito sa anak, nagmatigas si Esgueraa na di na talaga nagbigay.
Dito nagdesisyon na ang dating misis na gawing legal na ang paghingi ng suporta para sa anak at pagbayaran ng ama ang mga pagkukulang nito.
Maging leksyon di umano ang pangyayaring ito sa may kaparehong sitwasyon na maging responsableng magulang at magbigay ng karamatang suporta sa anak.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breast cancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer.
Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh