Babaeng naaksidente at na-coma, nagising makalipas ang 27 taon
-Pagkatapos ma-comatose ang isang ginang sa UAE, nagising ito makalipas ang 27 taon
-Hindi nawalan ng pag-asa ang kanyang anak na kasama niya at iniligtas noong panahong naaksidente ito, na magigising pa ito
-Kaya naman ibinahagi nila ang kanilang istorya upang magsilbing inspirasyon para sa mga katulad nila ang sitwasyon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
1991 nang maaksidente ang ginang na si Munira Abdulla na naging sanhi upang ito ay ma-comatose.
Ang kanyang kaso ay hindi pangkaraniwan dahil nagising ang ginang pagkatapos ma-coma sa loob ng 27 taon.
Ayon sa isang artikulo ng lokal na pahayagan sa UAE, ang The National, nasa back seat ang ginang na noon ay 32-anyos, kasama ang anak na si Omar Webair na noo'y 4 taong gulang pa lamang nang mangyari ang aksidente.
Napag-alamang bumunggo ang sinasakyan nitong sasakyan na minamaneho ng bayaw nito sa isang bus.
Nang makita ng ginang na maaaksidente sila ay agad niyang niyakap ang anak..
Nakaligtas si Omar na tanging maliit na galos sa ulo lamang ang tinamo ngunit matindi ang naging pinsala kay Munira.
"My mother was sitting with me in the back seat. When she saw the crash coming, she hugged me to protect me from the blow." sabi nito sa panayam.
Agad na isinugod ang ginang sa ospital at kalaunan ay inilipad papunta sa London kung saan ito idineklarang lantang-gulay na ngunit nakakaramdam pa rin ng sakit.
Muling itong ibinalik sa UAE kung saan nagpalipat-lipat ito ng ospital upang magamot.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read
Hindi nawalan ng pag-asa si Omar na muling babalik ang kanyang ina kahit pa nga nanatili ang ginang sa ospital ng ilang taon.
"I never gave up on her because I always had a feeling that one day she would wake up,"
Pinapakain ito sa pamamagitan ng tube at sumasailalim sa physiotherapy upang masiguro na hindi mawawalan ng silbi ang mga muscles nito dahil sa tagal ng hindi pagkilos.
Taong 2017 nang alukin ng Crown Prince Court para mailipat si Munari sa Germany at maipagamot sa mga espesyalista.
Makalipas ang isang taon, nagkaroon ng pagtatalo sa loob ng kwarto nito sa ospital kung saan nasangkot si Omar.
"There was a misunderstanding in the hospital room and she sensed I was at risk, which caused her a shock," anito.
Tila ito raw ang naging mitsa upang tuluyang magising ang ginang na nangyari matapos ang ilang araw.
"She was making strange sounds and I kept calling the doctors to examine her, they said everything was normal.
"Then, three days later, I woke up to the sound of someone calling my name.
"It was her! She was calling my name, I was flying with joy; for years I have dreamt of this moment, and my name was the first word she said." kwento nito.
Ayon pa sa ulat ng BBC News, nakabalik na sa UAE ang ginang at kasalukuyan nang nagpapagaling.
Ibinahagi nila ang kanilang karanasan upang magsilbing inspirasyon para sa ilang katulad nila ang sitwasyon.
"The reason I shared her story is to tell people not to lose hope on their loved ones; don't consider them dead when they are in such a state," ayon pa kay Omar.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer
Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breastcancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer. -on KAMI
Source: KAMI.com.gh