Aktwal na pagpatay sa mag-asawa sa Cebu, sapul sa CCTV! Anak, nakaligtas
-Sa tulong ng isang kuha ng CCTV sa lugar, nakita kung paanong pinatay ang mag-asawang negosyante sa Cebu
-Ang anak ng mga ito na kasama ng mga biktima, nakaligtas ngunit nasaksihan pa ang pagpatay sa kanyang mga magulang
-Negosyo ang tinitignang motibo sa krimen
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Patay sa pamamaril ang mag-asawang Fraldine Kate Ramayla Canes, 24, at Michael Canes, 27 sa isang intersection sa Barangay Ibabao, Mandaue City, 11 p.m. noong Linggo, Abril 14, 2019.
Sa tulong ng isang CCTV footage sa lugar, makikita pa kung paano pinatay ang mag-asawa.
Unang tumigil ang motorsiklo ng mag-asawa pagkatapos ay tinapatan ng mga suspek na lulan rin ng isang single na motorsiklo.
Itinulak ng angkas ang mga ito dahilan para tumumba ang mga ito. Makikitang may kinuhang bag ang suspek mula sa mga biktima na tila nakipag-agawan pa.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read
Doon na pinagbabaril ang mga ito ng suspek at agad na tumakas.
Nang makaalis ang mga suspek, doon pa lang mapapansin na may kasamang bata ang mga biktima dahil gumalaw na ito.
Nagtamo ang mag-asawa ng mga tama ng baril sa iba't-ibang bahagi ng katawan.
Sa isang ulat ng Cebu Daily News, negosyo ang nakikitang motibo sa pagpatay sa mag-asawa.
Ayon sa ulat, lumalabas na parehong negosyante ang dalawa. Nagtitinda ang mga ito ng mga RTW na damit.
Sa isa pa ring ulat ng CDN, isang witness na ang lumabas at kasalukuyang nakikipagtulungan sa kanila.
Narito ang CCTV footage na nakuha sa Mandaue City Command Center mula sa Sun Star Cebu:
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!
Source: KAMI.com.gh