16-anyos na dalaga, inakusahan ang inang inutusan siyang 'dumiskarte' para pambayad sa utang

16-anyos na dalaga, inakusahan ang inang inutusan siyang 'dumiskarte' para pambayad sa utang

- Isang ina ang dumulog sa Raffy Tulfo in Action pagkatapos sumama ng 16-anyos niyang anak na dalaga sa isang 43-anyos na lalake

- Nang magharap, inakusahan ng anak ang kanyang ina na pinapadiskarte siya umano ng ina para may pambayad sa utang nito

- Nag-hysterical naman ang ina dahil sumasama ang anak sa 43-anyos na lalake na "ibinabalik" siya sa kanilang bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang ina, si Nancy Seguerra, ang dumulog sa Raffy Tulfo in Action dahil sumama ang kanyang 16-anyos na dalagang anak sa isang 43-anyos na lalake.

Nalaman ng KAMI na inaamin ng bata na gala raw siya kung kaya't siya'y parating umaalis.

Ayon sa kwento ni Nancy, sumama na lang ang anak niya sa lalake at di na bumalik.

Nang magharap ang mag-ina, kasama na rin ang 43-anyos na lalake, napansin ni Idol Raffy na masama ang tingin ng anak sa ina niya.

Tinanong niya ito kung bakit ganun na lang ang tingin niya sa ina.

Dito isiniwalat ng bata na pinapadiskarte raw siya ng ina sa tuwing kailangan ng huli ng pambayad sa utang.

Ayon sa kuwento ng dalaga, sumasama siya sa Pakistani na taga Hong Kong na mapera.

PAY ATTENTION: The Meghan Effect: 10 Brands Whose Sales Skyrocketed In Recent Years Because Of Meghan Markle

Binibigyan daw siya ng P1,500 ng nasabing Pakistani at iyon ay binibigay din niya sa nanay niya.

Hindi lang yon, ayon pa sa dalaga eh nagahasa raw siya noong 13-anyos siya ng sariling pinsan niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Itinanggi naman ng ina ang mga akusasyon ng anak niya at sa huli'y naghysterical na sa Tulfo.

Maraming netizens ang hindi kumbinsido sa ginawa ng ina dahil daw sobrang hysterical na niya pero ni isang patak ng luha ay walang nakita.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo recounts her most embarrassing moment on set and it's utterly hilarious! Watch it on Human Meter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel