Witness sa pagpatay kay Christine Silawan, hinarass ng kampo ng suspek

Witness sa pagpatay kay Christine Silawan, hinarass ng kampo ng suspek

-Pinuntahan umano ng kampo ng 17-anyos na suspek sa pagpatay kay Christine Lee Silawan ang bahay ng isang witness sa kaso

-Ayon sa complainant, pinasok raw sila ng ina at abogado ng suspek ng walang permiso sa kanilang bahay

-Dahil dito, nag-file ng reklamo ang mga ito laban sa kampo ng suspek

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipina-blotter ng isa sa mga witness sa kaso ng brutal na pinatay na dalagang si Christine Lee Silawan ang kampo ng 17-anyos na pangunahing suspek sa kaso.

Ayon sa report ng Cebu Daily News, pinuntahan umano ng ina, isang kaanak at abogado ng suspek na si Atty. Vincent Isles, ang bahay ng isa sa mga witness noong March 31.

PAY ATTENTION: 15 Signs That Show Your Love Will Withstand Anything

Sabi pa ng complainant, kung ano-anong nakaka-insultong salita ang sinabi ng ina ng suspek sa witness.

Isa umanong media personality ang kasama ng mga ito.

Isinampa ang kaso laban sa mga ito sa Lapu-Lapu City Police Office Station 2 sa Barangay Mactan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, sa isa pang ulat ng CDN, sinabi naman ni Isles na ang magkasalungat na autopsy ng PAO forensic team at Crime Laboratory ng Police Regional Office in Central Visayas (PRO-7) ay maaaring makapag-pahina sa kaso laban sa kanyang kliyente.

“What they are doing is making the case very weak, so much that I doubt if they can convict anyone,” anito.

Una kasing lumabas sa autopsy ng Crime Laboratory ng Police Regional Office in Central Visayas (PRO-7) na posibleng hindi ginahasa ang dalaga.

Habang ang resulta naman ng autopsy mula sa PAO forensic team ay positibong ginahasa ang dalaga bago patayin noong Marso.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo reveals how ghosts intervened in the process of the "Eerie" movie shooting. Spooky and exciting moments first-hand, from one of the greatest movie stars in Philippines! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel