Karayom, tumagos sa katawan ng 6-anyos na bata, halos pumasok na sa baga
-Nanghina at hirap lumakad ang 6-anyos na si Carlene Villaceran matapos mahigaan at bumaon sa kanyang katawan ang isang karayom
-'Di naman raw akalain ng kanyang lola na may maiiwan siyang karayom mula sa pagtatahi niya
-Mabuti na lamang at may programang tumulong sa batang si Carlene
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Lubos na nangamba ang ginang na si Ma. Carla Mendina sa kundisyon ng kanyang anak na si Carlene matapos nitong mahigaan ang isang karayom.
Dahil dito, bumaon ang karayom sa kanyang katawan at halos pumasok sa kanyang baga.
PAY ATTENTION: 15 Fascinating Signs That Show You And Your Partner Are Meant For Each Other
Kaya naman hirap at nanghina ang bata nang lumapit sila sa Kapuso Foundation ng GMA Network upang humingi ng tulong.
Naoperahan na raw kasi si Carlene sa Sorsogon ngunit hindi nakuha mula sa kanyang katawan ang bumaon na karayom.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read
Inilapit ng Kapuso Foundation si Carlene kay Dr. Beda Espineda, isang pediatric surgeon.
"Nagbutas kami sa tagiliran, pumasok kami ng instrumento [na] parang forcep lang, naabot naman [at] nadukot namin [yung karayom]," anito.
Mabuti na lang daw at naagapan ang paggalaw ng karayom sa loob ng katawan ni Carlene at hindi tuluyang bumaon sa baga.
Kasalukuyan nang nagpapagaling si Carlene at nakauwi na sila ng ina sa kanilang bayan.
Laking pasasalamat ni Ma. Carla dahil hindi na nila aalalahanin pa ang kalagayan ng anak.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Bea Alonzo reveals how ghosts intervened in the process of the "Eerie" movie shooting. Spooky and exciting moments first-hand, from one of the greatest movie stars in Philippines! – on KAMI
Source: KAMI.com.gh