Pagbalibag ng bouncer sa lalaking magnanakaw sana ng kanyang motor, sapul sa CCTV

Pagbalibag ng bouncer sa lalaking magnanakaw sana ng kanyang motor, sapul sa CCTV

- Viral ngayon ang video ng isang lalaking nagtangkang magnakaw ng motor

- Nasa labas lamang daw ng isang bar ang motor na ang may-ari pala ang isang bouncer doon

- Halos mabasag ang mukha ng lalaki dahil umano sa pagbalibag sa kanya ng may-ari ng kanyang nanakawin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kitang kita sa CCTV kung paano nanakawin sana ng isang lalaki ang motor na nasa labas lamang noon ng isang bar.

Ayon sa ulat ng Ronda Brigada na binahagi ng Vovph, naganap ang tangkang pagnanakaw sa Naranghita street sa General Santos city.

Dahan dahang hinihila ng isang lalaking nakaputi ang motor at unti- unti na itong nakakalayo.

Ngunit di nagtagal, sumilip ang isang bouncer mula sa bar. Nilapitan niya ang lalaking kukuha sana ng motor. Maya maya pa'y kinalakdkad na niya ito at binitbit na parang gamit lang.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang malapit na sila sa pinto ng bar, bigla na lamang binagsak ng bouncer ang lalaki na nauna ang mukha.

Maging ang lookout ng lalaki ay nasuntok din ng bouncer ngunit ito ay agad na nakatakas.

Napag-alamang ang bouncer pala ang may-ari ng motor na tinangkang nakawin ng lalaki.

Sumunod nang pinakita sa video ang itsura ng lalaking halos basag na ang mukha at nasa likod na ng rehas.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Mayor Isko, nag-excuse sa kanyang FB live dahil sa tawag mula sa anak

Mayor Isko, nag-excuse sa kanyang FB live dahil sa tawag mula sa anak

Mayor Isko, nag-excuse sa kanyang FB live dahil sa tawag mula sa anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel