9-anyos, ginahasa ng 6 na lalaki; 2 sa mga ito, tiyuhin at pinsan pa ng biktima

9-anyos, ginahasa ng 6 na lalaki; 2 sa mga ito, tiyuhin at pinsan pa ng biktima

-Pinagpasa-pasahan umano ng anim na lalaki ang isang 9-anyos na batang babae sa Argao sa Cebu

-Dalawa sa suspek, tiyuhin ng biktima at 17-anyos na pinsan nito na pawang mga construction worker

-Sa kabila nito, hindi umano magsasampa ng kaso ang mga magulang ng biktima

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Walang awang pinagpasa-pasahan umano ng anim na lalaki ang isang 9-anyos na batang babae sa Argao sa Cebu.

Nakatanggap umano ng tawag ang Argao Police Station noong Marso 26, bandang 1:00 ng hapon mula sa isang concerned citizen.

Ayon dito, nakita nitong kinakaladkad ng isang suspek, na napag-alamang tiyuhin pa nito, ang batang babae papunta sa isang bakanteng lote sa Barangay Talaga.

PAY ATTENTION: Power Couples Who Are Still Adored By The Public Decades After

Sa inisyal na imbestigasyon ayon sa ulat ng Manila Bulletin, nag-iisa ang biktima sa kanilang bahay nang sapilitan itong tangayin ng tiyuhin noong Marso 25, bandang 3:00 ng hapon.

Dinala nito ang biktima kung saan ito nagta-trabaho bilang construction worker kasama ang lima pang lalaki. Isa sa mga ito, ang 17-anyos na pinsan ng biktima.

Ayon din sa ulat, pinahiga ang biktima sa dahon ng saging at doon sunod-sunod na ginahasa na ito ng mga suspek.

Tumigil lang umano ang mga ito nang makitang nagdurugo na ang ari ng bata.

Naaresto naman ang apat na suspek kabilang ang tiyuhin at pinsan ng biktima na itinago na ang pagkakakilanlan para sa na rin sa biktima.

Habang ang dalawa naman ay kinilalang si Calixto Aligato, 22, at Remond Emelda, 30. Ang dalawang iba pa ay patuloy na hinahanap na nakilala lamang sa mga pangalang Jun at Pat.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, sa panayam naman ng MB kay SPO1 Vivian Tamayo ng Argao Women, and Children Protection Desk (WCPD), hindi ito ang unang beses na ginalaw ng tiyuhin ang biktima.

Napag-alamang nagsimula ang pangmomolestiya nito sa biktima noon pang isang taon.

Bagamat inamin ng tiyuhin ng biktima na dalawang beses niyang ginalaw ang pamangkin, sinabi naman nitong inakit siya ng biktima!

Hinihila raw ng biktima ang kanyang shorts kapag sila lamang ang magkasama.

Itinaggi rin ng mga nahuling suspek ang krimen.

Ang ina naman ng biktima, alam ang panggagahasa umano ng mga suspek kabilang na ang tiyuhin at pinsan nito ngunit magrereklamo lang daw sa barangay kung uulit pa ang mga ito.

Dahil dito, sasampahan rin ng kaukulang kaso ang mga magulang ng bata dahil sa paglabag sa Republic Act 7610.

Ang biktima naman ay nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sasailalim sa trauma intervention.

9-anyos, ginahasa ng 6 na lalaki; 2 sa mga ito, tiyuhin at pinsan pa ng biktima

Photo source: Google Images / Photo for illustration only
Source: Getty Images

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI Humanmeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Final episode: Scammer, lumuhod at nagmakaawa kay ate na OFW na nakuhaan niya ng halos 1M

Final episode: Scammer, lumuhod at nagmakaawa kay ate na OFW na nakuhaan niya ng halos 1M

Final episode: Scammer, lumuhod at nagmakaawa kay ate na OFW na nakuhaan niya ng halos 1M
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel