13 Confidently beautiful Pinay beauty queens na pinasok ang showbiz world

13 Confidently beautiful Pinay beauty queens na pinasok ang showbiz world

Sa nakalipas na taon sa pagsali ng Pilipinas sa beauty pageants world, marami na ring mga confidently beautiful Pinay beauty queens na pinasok ang showbiz world pagkatapos ng kanilang reign.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napag-alaman ng KAMI ang 13 na mga showbiz personalities na ito na unang nakilala bilang isang beauty queen bago pa man pinasok ang entertainment industry.

1. Charlene Gonzalez

Ang magandang misis ni Aga Muhlach na si Charlene Gonzalez ay unang nakilala at sumikat nang ni-represent niya ang Pilipinas sa 1994 Miss Universe beauty pageant na ginanap sa Maynila.

Inuwi niya ang Best National Costume at naging top 6 sa naturang beauty pageant.

2. Gloria Diaz

Bago pa man maging isa sa mga batikang aktres si Gloria Diaz ay una muna siyang tinanghal na kauna-unahang Pinay na nakasungkit ng korona sa Miss Universe noong 1969.

3. Alice Dixson

Ang walang kupas ang kagandahan na si Alice Dixson ay una muna naging beauty queen bago pa man maging isa sa batikang aktres.

Naging top 15 siya Miss International 1986.

4. Miriam Quiambao

Bago pa maging isang TV host at aktres, una munang nakilala si Miriam Quiambao nang inuwi niya ang first runner-up title sa Miss Universe 1999.

5. Venus Raj

Isa pang beauty queen na pinasok ang showbizy ay si Venus Raj, na inuwi ang 4th runner-up place ng Miss Universe 2010.

6. Melanie Marquez

Si Melanie Marquez naman ang pinakabatang beauty queen na nanalo ng Miss International crown.

Sa edad na 15 years old, inuwi niya ang 1979 Miss International crown at Best National Costume.

At noong 1985, naging Face of the 80s winner si Melanie sa New York, Usa, at naging 1st runner-up sa Supermodel competition noong 1986.

7. Precious Lara Quigaman

Bago rin naging aktres si Lara Quigaman ay una muna siyang naging beauty queen.

Inuwi niya ang Miss International 2005 crown at Best in National Costume.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

8. Kylie Verzosa

Si Kylie Versoza naman ang nanalo sa korona ng Miss International 2016 bago naging leading lady ni Jake Cuence sa Los Bastardos sa ABS-CBN.

9. Nicole Cordoves

Bago pa naging hurado sa It's Showtime Q & A, pinanalo muna ni Nicole Cordoves ang bansa nang inuwi niya ang Miss Grand International 2016 First Runner-up place.

10. Ariella Arida

Inuwi naman ni Ariella Arida, ang dating Wowowin host, ang 3rd-runner up ng Miss Universe 2013 competition.

11. Shamcey Supsup Miss Universe Philippines 2011 a

Ang Miss Universe Philippines 2011 3rd runner-up na si Shamcey Supsup ay naging TV host naman ng ilang TV shows.

12. Bea Rose Santiago

Bago pa man umakting si Bea Rose Santiago ay una muna siyang tinanghal na Miss International 2013.

13. Mutya Johanna Datul

Si Mutya Datul naman ay ang nag-uwi ng korona para sa Pilipinas sa Miss Supranational 2013 at ngayon isa ng Viva artist.

PAY ATTENTION: 12 Times Celebs Flaunted Their Mindblowing Wealth on Instagram

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

As we celebrate International Women’s Day, our team went out to the streets to give flowers to all beautiful, strong women.

Get more exciting, fun, insightful, and inspiring videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin