Larawan ng primary suspect sa pagpatay kay Christine Lee Silawan, inilabas na

Larawan ng primary suspect sa pagpatay kay Christine Lee Silawan, inilabas na

-Inilabas na ng mga awtoridad ang larawan ng primary suspect sa brutal na pagpatay kay Christine Lee Silawan

-Kinilala itong si Jonas Bueno

-Umabot na sa P2 milyon ang reward money sa sinumang makakakapagturo kung nasaan ang mga suspek

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inilabas na ang larawan ng primary suspect sa brutal na pagpatay kay Christine Lee Silawan, ang 16-anyos na dalagang pinatay at binalatan pa ang mukha!

Kinilala ang suspek na si Jonas Bueno ayon sa ulat ng Philippine Star.

PAY ATTENTION: Meet Top 20 Wealthiest Families Of The World

Ayon sa mga naunang ulat, hindi ito nakatira sa Lapu-lapu City at kasalukuyang nasa Cebu pa, batay sa imbestigasyon ng mga pulis.

Sinabi rin sa isang report ng Sun Star Cebu na nakita ang itinuturong primary suspect na pinasakay pa nito sa isang motorsiklo ang dalaga na nakita sa isang CCTV bago ang krimen.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Lumalabas rin sa imbestigasyon ng mga pulis na nakakapalitan ng dalaga ng mensahe ang suspek ngunit hindi sigurado kung mayroon silang relasyon.

Tiwala ang mga pulis na tamang salarin ang kanilang hina-hunting dahil na rin sa mga malalakas na ebidensiyang nakalap nila.

Sabi pa ng mga ito, mas magiging mdali na para sa kanila na mahuli ang dalawa pa kapag naaresto na ang pangunahing suspek na si Bueno!

Samantala, umabot na sa P2 milyon ang reward money para sa sinumang makapagtuturo sa mga suspek.

Sa isang ulat ng KAMI, isang witness ang lumutang at sinabing tatlong lalaki ang nakitang humahabol sa dalaga.

Umaasa ang mga pulis na maresolba ang kaso ngayong linggo.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Bayani Agbayani reveals that Bea Alonzo's brother is the boyfriend of his daughter

Bayani Agbayani reveals that Bea Alonzo's brother is the boyfriend of his eldest daughter

Bayani Agbayani reveals that Bea Alonzo's brother is the boyfriend of his eldest daughter
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel