College student, hinampas ng tubo hanggang sa mapatay ng kapwa estudyante

College student, hinampas ng tubo hanggang sa mapatay ng kapwa estudyante

- Natagpuang wala nang buhay ang 23 anyos na estudyante sa kolehiyo sa mismong banyo ng kanilang dormitoryo

- Tinuturong suspek ang kasama umano nito sa ROTC na pinagbintangan ng biktima na nagnakaw ng kanyang wallet

- Mahaharap sa kasong murder ang suspek na corps commander ng biktima sa ROTC

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nauwi sa patayan ang simpleng pagbibintang ng 23 anyos na college student sa kanyang kasama sa ROTC sa Iloilo State College of Fisheries (ISCOF) ng Dumangas, Iloilo.

Sinabi raw ng biktimang nakilalang si Willy Amihoy na kinuha di umano ng 22 anyos na si Elmer Decilao ang kanyang wallet.

Si Decilao ay corps commander ni Amihoy na isang kadete lamang niya sa ROTC ayon sa Philippine Daily Inquirer.

PAY ATTENTION: 15 Memorable Photos From The Amazing Baby Shower Of Meghan Markle

Dahil sa pagbibintang, nagalit umano si Decilao ayon kay Iloilo Police chief Senior Superintendent Marlon Tayaba na kanyang nabanggit sa CNN Philippines.

Nalaman ng KAMI na sa tindi ng galit, sinugod umano ni Decilao si Amihoy na noo'y nasa banyo at pinagbabantukan ng tubo sa ulo.

Nang marinig ng security guard na si Rex Damian ang kaguluhan, agad itong pumasok sa dormitoryo. Sa kusina pa lang, nakita na niya ang mga bakas ng dugo patungo sa CR kung saan niya nakita ang wala nang buhay na si Amihoy.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sinubukan pang tumakas ng suspek ngunit agad din naman itong naharang ng mga rumespondeng pulis.

Kasalukuyan na itong nasa Dumangas Police Station at mahahrap sa kasong murder.

Magtatapos na sana sa kursong Education si Amihoy ngayong darating na Abril 3.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Fact check: Did Imee Marcos graduate as a valedictorian from California school?

Fact check: Did Imee Marcos graduate as a valedictorian from California school?

Fact check: Did Imee Marcos graduate as a valedictorian from California boarding school?
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel