Raffy Tulfo, nagsalita na ukol sa kontrobersyal na 'lazy comments' ni Mon Tulfo
- Naging kontrobersyal ang naging pahayag ni Mon Tulfo na tamad at mabagal gumawa ang mga Filipino construction workers
- Nagbigay na ng pahayag at opinyon si Raffy Tulfo tungkol sa sinabi ng kanyang kuya
- Umani ito ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Naging mainit ang pangalan ni Ramon "Mon" Tulfo matapos niyang sabihin na tamad at mabagal gumawa ang mga Filipino construction workers.
Ayon pa kay Mon, mas lamang pa raw ang mga Chinese workers kumpara sa Pinoy dahil mas madalas pang manigarilyo at nagkukuwentuhan ang mga ito kaysa magtrabaho.
Nalaman ng KAMI na binasag na ng nakababatang kapatid ni Mon na si Raffy Tulfo ang kanyang katahimikan ukol sa isyu.
Kung dati raw ay tumatahimik lang silang magkakapatid, hindi raw kaya ni Raffy na palampasin ito dahil sila raw dapat ang tagapagtanggol ng mga kababayan natin.
"If my brother Mon Tulfo is listening, Kuya Boy, I respect you as my brother pero this time around nawala ang respeto ko sayo. I'm sorry to say this, maling-mali ka Kuya Mon."
"Tayo ang apelyidong Tulfo ang tagapagtanggol sa mga maliliit, ngayon nilalapastangan mo itong maliliit nating kababayan.
"Maling-mali ka Kuya Boy, mali ka," pahayag ni Raffy.
PAY ATTENTION: Beyoncé, Taylor Swift, and Other Celebrities Who Have Crashed Normal People's Weddings
Maraming netizens ang humanga sa mga naging pahayag ni Raffy sa kanyang programa. Narito ang ilan sa kanilang mga naging komento at reaksyon.
"Isa rin pong construction worker ang aming ama sa middle east at masasabi ko para silang mga kalabaw kung magtrabaho..wag naman pong sabihin na tamad ang mga pilipino. Nawala rin ang respeto ko kay Ramon Tulfo... Idol ko pa naman yan pero ngayon nakakawalang gana.."
"Tama ka sir tulfo masakit ito sa mga ofw sabihin na mga tamad ang pinoy. Maganda kasi ang mali ay mali talaga kahit kapatid pa niya ang nagsabi bilib ako sa iyo sir tulfo."
"Yan ang idol walang kinakampihan..yan ang dapat tularan walang pinipili na lahi basta lapit sa kanya at sila ang tama 22long yan..idol kita mabuhay ka..at balik kana hehhe"
"Saludo ako sayo Sir Raffy ikaw ang tagapagtanggol ng pilipino"
"Salute you Sir Raffy!! TALAGANG kakampi KA NG MGA inaapi!!"
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Sa nakaraang report ng KAMI, walang balak humingi ng tawad si Mon Tulfo sa kanyang naging kontrobersyal na pahayag tungkol sa mga Filipino construction workers. Para sa kanya, nagsasabi lamang siya ng katotohanan.
Si Raffy Tulfo o Idol Raffy ay kilala ng karamihan sa kanyang show sa TV5 na 'Aksyon Sa Tanghali' at sa segment na 'Raffy Tulfo in Action.' Siya rin ay isa sa mga nakababatang kapatid ni Mon Tulfo.
Si Mon Tulfo naman ay ang panganay sa 10 magkakapatid, 7 lalaki at 3 babae. Isa rin siyang TV host, radio broadcaster at isang columnist sa The Manila Times.
POPULAR: Read more latest news on the Philippines here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Happy International Women's Day, Dear Ladies! International Women's Day is celebrated on March 8. HumanMeter team joined the celebrations by congratulating beautiful Filipino ladies who had no idea what we are up to. Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!
Source: KAMI.com.gh