Bangkay ng 16-anyos, natagpuan sa bakanteng lote; hubad at binalatan ang mukha

Bangkay ng 16-anyos, natagpuan sa bakanteng lote; hubad at binalatan ang mukha

-Tumambad sa ilang residente sa Barangay Bangkal, Lapu-Lapu City ang hubad na katawan ng isang 16-anyos na babae

-Ang kalunos-lunos pa, wala nang balat ang kalahating mukha ng biktima

-Napag-alamang kolektor sa simbahan ang dalaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kalunos-lunos ang inabot ng isang 16-anyos na dalagang kolektor sa simbahan sa Cebu na si Christine Lee Silawan.

Bangkay na nang matagpuan si Silawan nitong Marso 11 ng umaga sa isang bakanteng lote sa Sitio Mahayahay in Barangay Bangkal, Lapu-Lapu City.

PAY ATTENTION: Forbes Top 10 Wealthiest Celebrities In 2018

Wala nang suot na pang-ibaba ang dalaga at binalatan pa ang mukha ayon sa report ng Cebu Daily News.

Kinumpirma mismo ng ina ng biktima na katawan nga ng kanyang anak ang natagpuang bangkay sa nasabing lote.

Bangkay ng 16-anyos, natagpuan sa bakanteng lote; hubad at binalatan ang mukha

Photo source: Cebu Daily News
Source: Facebook

Ayon sa ina ng biktima, bandang 4:00 ng hapon ng Linggo, Marso 10, huling nakita ito bago magpunta sa Sacred Heart Parish sa Barangay Pajac upang magsilbi sa simbahan.

Napag-alaman ng KAMI na isang church collector ang dalaga.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nag-alala na raw ang ina ng dalaga nang 7:00 na ng gabi ay hindi pa ito umuuwi katulad ng ipinangako nito.

At nito ngang umaga ng Lunes natagpuan ang bangkay nito sa isang 2-hectare na lote, 500 metro ang layo sa residential area.

Ayon kay Police Officer 1 Lyno Pino, desk officer ng Lapu-Lapu City Police Office, kasalukuyan nilang tinitignan ang CCTV sa nasabing simbahan para malaman kung sino ang huling kasama ni Silawan.

Samantala, wala pa rin inilalabas na detalye kaugnay sa motibo ng pagpatay sa dalaga.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel