6 na anak ni Henry Sy, pasok sa top 10 na pinakamayamang tao sa Pinas

6 na anak ni Henry Sy, pasok sa top 10 na pinakamayamang tao sa Pinas

-Pasok lahat sa top 10 na pinakamayayamang tao sa Pilipinas ang anim na anak ng namayapang si Henry Sy Sr.

-11 taon nanatili sa pwesto bilang pinakamayaman sa bansa si Sy

-Kasali rin ang magkakapatid sa listahan ng mga pinakamayayamang tao sa mundo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pasok ang anim na anak ng yumaong si Henry Sy Sr. sa listahan ng pinakamayayamang tao sa buong mundo ng Forbes magazine.

Kasali rin ang mga ito sa top 10 pinakamayamang tao sa Pilipinas.

Ang pang-apat at pang-limang anak ni Henry Sy na si Hans at Herbert Sy ay nasa 962nd pwesto sa World’s Billionaires Ranking.

Ang net worth nila ay tumataginting na $2.4 billion bawat isa. At ika-8 naman sa pinakamayaman sa Pinas.

PAY ATTENTION: Power Couples Who Are Still Adored By The Public Decades After

Samantala, ang bunso namang si Harley , Henry Sy, Jr., pangatlong anak at ang panganay na si Teresita Sy-Coson ay nasa 1057th pwesto na may $2.2 billion net worth bawat isa.

Ika-9 naman ang tatlo sa pinakamayamang tao sa bansa.

Habang ang pangalawang anak na si Elizabeth ay nasa 1227th pwesto at mayroong net worth na $1.9 billion. Ika-10 naman siya sa pinakamayaman sa bansa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa loob ng 11 taon, nanguna sa listahan ang founder ng pinaka-malaking mall sa bansa sa pinakamayamang tao sa Pinas.

Noong nakaraang taon, bukod sa pagiging top 1 sa bansa, ika-52 naman si Henry Sy Sr. sa pinakamayaman sa mundo na mayroong $18.3 billion net worth.

Noong nakaraang buwan, ipinagluksa ng buong Pilipinas ang pagpanaw ng isa sa legacy ng bansa, na naisulat rin sa isang artikulo ng .

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Happy International Women's Day, Dear Ladies! International Women's Day is celebrated on March 8. HumanMeter team joined the celebrations by congratulating beautiful Filipino ladies who had no idea what we are up to. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone