Kabit ni mister na suspek sa pagpatay kay misis, huli sa CCTV ang pagtakas

Kabit ni mister na suspek sa pagpatay kay misis, huli sa CCTV ang pagtakas

-Suspek sa pagpatay ang isang OFW matapos itong makita sa isang CCTV footage habang tumatakbo palayo sa crime scene

-Matinding galit umano ang posibleng dahilan dahil ito ay naging kabit ng asawa ng napaslang

-Kasalukuyan namang nakikipagtulungan ang Raffy Tulfo in Action sa mga kinauukulan upang madakip ang nakatakas na suspek

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matinding galit umano ang posibleng naging dahiln ng isang OFW na pangunahing suspek ngayon sa pagpatay sa isang babae.

Ayon sa kapatid ng biktimang nasawi na si Cristine Diego, mayroong CCTV footage kung saan makikitang tumatakbo palayo ang suspek na si Vina Rose Santiago sa pinangyarihan ng krimen.

Napag-alamang ang suspek pala ay naging kabit ng asawa ng biktima na si Darius Diego.

Samantala, sabi naman ni Darius, matagal na silang hiwalay ni Vina Rose at pinili na niya ang kanyang mag-iina.

Maayos na rin umano ang relasyon nilang mag-asawa at wala siyang ideya na gagawin ni Vina Rose ang pagpaslang sa kanyang misis.

Hinala nito, ang pagpili niya sa mag-iina at pagkasira ng reputasyon nito sa kanilang lugar ang sanhi ng galit ng suspek.

Ngunit nang tanungin ito kung kailan huling nakausap ang akusado, sinabi nitong ika-27 ng Pebrero ang huli at 28 naman ng Pebrero nang maganap ang krimen ayon sa kapatid ni Cristine.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isa pa sa nagpatibay ng hinala ng mga kaanak ng biktima ay ang agad na pag-alis ng suspek papuntang Riyadh sa Saudi Arabia kung saan itong nag-ta-trabaho.

Sabi ng mga pulis, Marso 3 pa nakatakdang umalis ang suspek ngunit 2 palang ng Marso ay lumipad na ito pabalik sa Saudi.

Kaya naman agad nang nakipagtulungan ang programang Raffy Tulfo in Action sa pangunguna ni Raffy tulfo sa mga kinauukulan upang matunton ang OFW.

Nangangamba naman si Darius para sa kapatid na nasa Riyadh rin na kasama umano ng biktima noong sumugod ito sa lugar ng suspek na ikinagalit umano nito.

Nangako naman ang PNP at OWWA na tututukan ang kaso sa pakikipagtulungan na rin ni idol Raffy.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate picks

Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate picks

Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate picks
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel