Estudyante, namatay pagkatapos bugbugin ng mga kamag-aral dahil umano sa inggit

Estudyante, namatay pagkatapos bugbugin ng mga kamag-aral dahil umano sa inggit

- Isang estudyante ang binawian ng buhay pagkatapos bugbugin ng mga kamag-aral

- Inggit umano ang naging dahilan dahil ang Grade 12 student na 'to ay sikat sa kanilang eskuwelahan

- Depensa ng tatlong estudyante na bumugbog kay Kenneth, self-defense lang daw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Grade-12 student ang namatay pagkatapos pagtulungang bugbugin ng mga kamag-aral.

Nalaman ng KAMI na ang biktima na si Kenneth Langit ay maituturing na sikat at kilala sa Mangaldan National High School sa Pangasinan.

Kaya lang, kung may mga nagmamahal sa biktima, mayroon ding mga kabataan na kinaiinggitan umano siya.

Ayon sa report ni Gus Abelgas sa SOCO, masunurin, maalaga at mabuting mag-aaral si Kenneth.

Kuwento ng kaibigan at kasama ni Kenneth noong araw ng insidente, papunta na sila sa kanilang huling klase nang makasalubong ang grupo ni Jeorge Calimlim, pangunahing suspek.

Dito hinamon ni Jeorge si Kenneth at sinabing, "Bakit ka laging nakatitig sakin? Ano bang gusto mo? Para matapos na to suntukan na lang tayo?"

Inunahan ni Jeorge si Kenneth kung kaya't dumepensa si Kenneth. Natumba si Jeorge at nang di makatayo, dito na sinugod ng dalawa pang kasamahan ni Jeorge si Kenneth at pinagsusuntok.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naiwang lupaypay at di makapagsalita si Kenneth. Dinala siya sa ospital at ipinaalam na rin sa mga magulang ang nangyari.

Comatose na si Kenneth at tatlong araw pagkatapos ng insidente, tuluyan na itong binawian ng buhay.

Ni sa panaginip, hindi inisip ng ama niyang mawawala sa kanila si Kenneth nang ganun na lang.

Bagamat sumuko ang tatlong estudyante na bumugbog kay Kenneth, hinahangad ng pamilya na ang nararapat na hustisya ay makamit nila.

Want to know the "Firsts" of LizQuen. Liza and Enrique play the "Firsts" game. Watch it here.

Source: Kami.com.ph

Related news
Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate picks

Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate picks

Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate picks
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel