Pinay OFW sa Japan, pinaliwanag sa isang sulat ang dahilan ng pagpapakamatay

Pinay OFW sa Japan, pinaliwanag sa isang sulat ang dahilan ng pagpapakamatay

- Isang Pinay na may pamilya sa Japana ang mas piniling bawiin ang sariling buhay dala di umano ng depresyon

- Sa kanyang suicide note, sinabi niyang pagod na pagod na siya sa buhay

- Isang kapwa niya Pinay OFW ang nagbahagi ng kanyang sinapit at labis na nalulungkot sa pangyayari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang pagkamatay ng isang Pinay OFW sa Japan. Binahagi ng netizen na si Yedda Lozano ang orihinal na post umano ni 'Mi Chan.'

Nakalulungkot daw kasing malaman na sa kabila ng kanyang kagandahan at kabataan, nagawa pa rin nitong kitilin ang sarili niyang buhay.

Ang masaklap pa rito may anak itong lalaki na naiwan at nawalan ng ina.

Sa sinasabing 'suicide note' na iniwan ng Pinay, nabanggit nito na "pagod na pagod" na siya sa kanyang buhay.

May sakit man o wala, kailangan niyang kumayod dahil ayaw niyang may masasayang na sandali sa kanyang pagtatrabaho abroad.

Kulang pa raw kasi ang sahod niya at minsan ay 'abunado' pa kaya wala siyang pinalalampas na oras para kumita.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Lumalabas na rin na nahihiya di umano ito sa mga taong tumulong sa kanyang makapag-abroad na nabanggit niya sa sulat ang mga pangalan.

Lantaran ding sinabi nito ang mga katagang "minsan gusto ko na lamang magpakamatay..." na kanya ngang tinotoo. Hirap na hirap na raw talaga ang OFW.

Nagawa rin niyang magpasalamat sa kanyang sulat at nasabi rin niyang mami-miss niya ang mga mahal niya sa buhay.

Alam din ng Pinay na mami-miss siya ng mga kapamilya dahil sa wala na raw maingay sa kanila.

Labis na nakakalungkot ang nangyari na ito sa ating kababayan na dahil lamang sa depresyon, nasayang ang kanyang buhay.

Bumuhos ang simpatya sa Pinay OFW at ang iba ay nagpahayag ng kanilang saloobin ukol sa pinagdaraanan nito.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Naway unawain po ntin mga kamag anak ntin s ibng bansa at hindi po kami nagpapala ng pera.. Dugo at pawis ang puhunan namin s abawat sentimo kinikita. Mging malawak po sana mga kaisipan nrin. Hindi pag wla padala glit kayo. Hindi nyo alam ano dahilan bakit minsan Wl padala pera para sainyo.."
"Pede mag reklamo at mag ingay wag lng susukuan Ang Buhay"
"Hindi nmn sulosyon Ang pagpapakamatay...gaano pa kbigat Ang dinadala mong problem SA buhay...wla tau karapatan kitilin Ang buhay natin KC bigay lng ito NG Dios satin..."
"hirap talaga dito sa abroad piro kay langang mag tiis para sa pamilya"
"Just pray lang kay god and be strong d ka nya pabayaaan challenge lang yan sa life natin"
"hindi tlga solution ang magpakamatay. Kasi malaking kasalanan tlga yan. Minsan kailangan mo tlga lakasan ang loob mo at manalangin. Kahit ano pang klaseng poblema dumaan Walang imposible ky god."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica