Bentahan di umano ng sanggol online, pumapalo ng ₱10,000- ₱50,000

Bentahan di umano ng sanggol online, pumapalo ng ₱10,000- ₱50,000

- Lantaran na raw ang pagbebenta ng mga baby online at kahit daw sa Facebook ay maaring mahanap ang mga ito

- Pumapalo sa ₱10,000 hanggang ₱50,000 kada transaksyon depende sa magiging usapan

- Nakababahala ito dahil sa animo'y gamit lamang ang kanilang binebenta at isa pa, walang kasiguraduhan kung mapapabuti ba talaga ang lagay ng batang pinaaampon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sadyang nakababahala ang kakaibang online selling na ito dahil hindi mga gamit ang kanilang binebenta kundi mga sanggol.

Sa dokumentaryo ni Atom Araullo na pinamagatang "Babies 4 sale," nilahad ang kalakaran ng bentahan ng sanggol online.

Sa Facebook, kung saan halos 80% na ng populasyon ay nakakagamit nito, mahahanap ang iba't-ibang pages ng bentahan ng sanggol.

Ipo-post lang umano nila ang hinahanap na kwalipikasyon ng magulang o maging ng bata nang sa gayon matukoy ang kanilang hinahanap na sanggol, base sa edad, kasarian at maging sa pinagmulang magulang.

Closed group daw ang mga ito ngunit madali rin namang mapasok. Mayroon pa ngang mga "disclaimer" o mga pahayag na tila mapapaniwala ka na legal ang kanilang gingawa.

Sinubukang makipag-usap o makipag-chat nina Atom sa mga aktibong miyembro ng grupo at doon nakausap nila ang 20 anyos na may pangalang "Baby adoption."

Umaakto na middleman si "Baby adoption" na siyang nakikipag-transaksyon sa mga naghahanap ng maaampon na sanggol.

Nang oras na iyon, isang sanggol na may presyong ₱10,000 mula sa Cebu ang pwede nang "ibenta."

Bukod dito, may nagpadala pa ng mensahe na kaliwaan agad sa halagang ₱35,000 at handa na itong iipaampon agad ang sanggol. Nagpadala pa ito ng mga litrato.

Dahil dito, agad na nagtungo sa sinabing tagpuan na mall sa Quezon city ang grupo nina Atom.

Middleman lang nila ang nakausap na si "Christine" at nalaman nilang si "Delia" pala ang ina ng sanggol at di nito alam kung nasaan na ang ama. Ayon pa kay Delia, pinagbubuntis pa lang niya ang sanggol, ayaw na niya rito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagsasagawa na rin pala ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation ukol sa bentahang nagaganap online ng mga sanggol.

Katunayan, nagsagawa na rin sila ng entrapment operation sa isa nilang naka-transaksyon na isa palang 'middleman.'

Nakababahala ang kalagayan nito dahil bukod sa menod de edad ito, buntis pa. Dahil dito dinala siya sa Department of Social Welfare and development. Habang ang mga magulang ng bata ang dinala ng tanggapan ng NBI.

Si Atom ang kumausap sa mga magulang ng bata. Doon niya nalaman na di raw pala talaga kayang buhayin ng mag-asawa ang bata kaya ilang araw lamang pagka-panganak nito, nakahanap agad sila ng grupo sa Facebook na nag-aampon ng mga sanggol.

Inakala raw ng mag-asawa na ang kausap nila ang siyang mag-aampon mismo ng sanggol at nang magkita na lamang sila, saka nila napag-alaman na middleman lamang ito.

Nalaman din nilang ₱10,000 lamang ang hinihingi ng magulang nito ngunit ₱40,000 ang sinabi ng middleman sa ka-transaksyon.

Dahil dito, nahaharap sila sa Anti- Child abuse law at anti-child trafficking law. Life imprisonment ang parusa sa mga ito at di rin sila maaring magpiyansa.

Samantala, dinala naman sa isang shelter ang sanggol na mntik nang mai-benta.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica