Pangulong Duterte, payag sa 'samesex' marriage at maging sa pag-aasawa ng mga pari

Pangulong Duterte, payag sa 'samesex' marriage at maging sa pag-aasawa ng mga pari

- Pabor at wala raw problema si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapakasal ng may parehong kasarian at maging sa pag-aasawa ng pari

- Ito ang nakikita niyang isa sa mga solusyon upang maiwasan na ang isakandalong sekswal na kinasasangkutan ng mga pari kamakailan lamang

- Nabanggit din niyang maari na sanang payagan na mag-asawa ng hanggang tatlo ang mga katoliko na ginagawa na rin naman daw ng mga muslim

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kontrobersyal ang naging pahayag ng pangulong Rodrigo Duterte dahil umano sa pagpabor niya sa pagpapakasal ng may parehong kasarina dito sa bansa.

Ayon sa Philipine star, naikwento ng pangulo na di nito kinahihiya ang pagkakaroon ng mga bayaw na nagpakasal kahit pa pareho ang kanilang kasarian. Para sa kanya, wala siyang nakikitang problema kung ikasal ang mga kanilang sa LGBTQ community.

Nabanggit din niya maari na rin sanang payagang mag-asawa ng mahigit isa ang mga katoliko, hanaggang tatlo.

“Payagan na silang mag-asawa. Magkaparehong kasarian, sige. Magsama sila. Ang mga Katoliko…ang mga Muslim ay maaa­ring magkaroon ng apat. Ang mga Katoliko ay maaaring magkaroon ng tatlong asawa. Magdadagdag ako para sa atin dahil merong mga hindi pa kasal,” pahayag ng pangulo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaugnay nito, maging ang mga pari na rin daw sana ay hayaan na ring mag-asawa.

“Ang mga pari. Ang Bibliya ay isinulat halos libu-libong taon na ang nakakaraan. Tatlong libong taon na ang nagdaan? Totoo. Meron ditong mga mensahe mula sa Diyos. Pero kung tatangkain mong kontrolin ang mundo sa pamamagitan ng relihiyon bilang kapital at wala ka man lang bigas o kalsada o mga kagamitan sa pagtatayo ng mga bahay,” ayon sa Pangulo sa isang pagtitipon na dinaluhan nuya sa Cebu city noong Linggo ng gabi.

Maaalalang kamakailan lamang ay isang Amerikanong pari ang inaresto sa pangmomolestiya di umano ng tinatayang 50 na menor de edad na sakristan. Ito ay una nang nai-balita ng KAMI.

Kaya naman ang mungkahi ng pangulo na payagang mag-asawa ang mga pari ang nakikita niyang paraan upang masolusyunan ang iskadalong sekswal na kinasasangkutan ng mga pari.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica