Pinay DH na 'di pinapasahod, 10 taon na umanong itinatago ng amo

Pinay DH na 'di pinapasahod, 10 taon na umanong itinatago ng amo

-Hindi na umano pinapasahod ang isang OFW sa Jordan, pinagta-trabaho pa umano sa iba ng kanyang amo

-10 taon na umanong itinatago ng amo nito ang Pinay DH

-Ang masaklap pa, hindi matukoy kung saang agency ito nagmula

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Facebook post ang kumakalat ngayon tungkol sa isa nating kababayang overseas Filipino worker (OFW) sa Jordan.

Ayon sa Facebook page na Usapang OFW, 10 taon na umanong itinatago ng kanyang amo si Juhra Adjaraman.

Ang masaklap pa, hindi ito pinapasahod at pinag-ta-trabaho pa umano sa ibang amo doon para mapagkakitaan ang kawawang Pinay.

Hindi rin umano matukoy kung saang agency ito nagmula. Inosente pa raw ang Pinay na ito nang dalhin doon para mag-trabaho.

Sa tulong ng ilang kababayan na nakikilala ni Juhra, nais ng mga ito na matulungan na ang dalaga at mailigtas mula sa mapang-abusong amo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi rin umano ito pinapayagang gumamit ng kahit na anong gadget ng amo at ayon pa sa isang kakilala nito ay bantay-sarado ito ng babaeng amo.

Nais na rin daw nitong makauwi sa pamilya sa Mindanao. At minsan na raw hiniling na itago na lamang siya sa isang maleta makauwi lamang sa Pinas.

Ayon sa post, ang OFW raw ay kasalukuyang nasa #15 secondfloor Al Hassan Bin Khallad St. Dir Akbhar Amman Jordan.

Hangad ng KAMI ang kaligtasan ni Juhra at ng lahat ng OFW sa buong mundo.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Vice Ganda reveals to Charo Santos what Kapamilya show would frequently overtime

Vice Ganda reveals to Charo Santos what Kapamilya show would frequently overtime

Vice Ganda reveals to Charo Santos what ABS-CBN show frequently overtimes
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel